Balita

2ND LANG, SAPAT NA

- Ni MARIVIC AWITAN

Makatabla sa Rain or Shine sa ikalawang puwesto ang tatangkain ng TNT sa pagsagupa nito sa Northport sa unang laro ngayong hapon sa 2019 PBA Philippine Cup sa Araneta Coliseum.

Hawak ang kartadang 7-3, aasintahin ng Katropa ang ikalimang sunod na panalo upang makasalo ng Elasto Painters (8-3) sa ikalawang puwesto.

Kapag tumabla sila sa Elasto Painters, ang Katropa ang aangat sa ikalawang posisyon sa bisa ng kanilang 100-92 panalo sa una noong nakaraang Marso 3 sa Antipolo City.

Ngunit kinakailan­gan pa nilang hintayin ang resulta ng huling tatlong laro ng sumusunod sa kanilang Ginebra na may habol pa rin sa ikalawang puwesto kung maipapanal­o nito ang huli nilang tatlong laro kabilang na ang laban nito sa NLEX sa Angeles, Pampanga kahapon habang isinasara ang pahinang ito.

Kung magtatapos na 3-way tie sa 8-3 ang Rain or Shine, TNT at Ginebra, ang Kings ang kokopo ng ikalawang puwesto at huling twice-to-beat incentive sa quarters dahil parehas nitong tinalo ang Elasto Painters at Katropa sa eliminatio­n round.

"We'll see dahil hindi namin control 'yung mangyayari," pahayag ni TNT coach Bong Ravena matapos ang ika-4 nilang

Mga laro ngayon_ (Araneta Coliseum)

4:30 pm Northport vs. TNT 6:45 pm San Miguel vs. Alaska dikit na panalo noong Biyernes, 10198 kontra Blackwater. "Importante manalo kami. Whatever happens, basta concern namin last game."

"Hopefully, last game we'll come out strong. We have to win our last game," dagdag nito.

Para naman sa katunggali nilang Northport Batang Pier, sa hawak nitong barahang 2-6, isang talo pa at tuluyan na silang mamamaalam sa kanilang tsansang umabot ng quarterfin­als.

Tatangkain nilang umahon sa kinasadlak­ang 6-game losing slide, pinakahuli noong Miyerkules sa kamay ng Magnolia sa iskor na 90103.

Samantala sa huling laban ganap na 6:45 ng gabi sa pagitan ng defending champion San Miguel at Alaska, sisikapin ng huli na palakasin ang tsansang makatungto­ng ng playoffs.

Sa panig naman ng Beermen, tatangkain nilang pormal na makausad ng playoffs sa pag-asinta ng ikapito nilang tagumpay.

Hangad ng SMB na makabalik ng winning track matapos maligwak noong Sabado sa kamay ng nangunguna­ng Phoenix, 93-96 sa Panabo City, Davao del Norte.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines