Balita

Laguna, namayani sa 2019 Batang Pinoy

- Ni ANNIE ABAD

Ilagan City, Isabela---Naungusan ng Laguna Province ang 2018 National Finals champion na Baguio City sa medal tally ng 2019 Batang Pinoy na ginanap sa Ilagan City Sports Complex dito.

Nakuha ng Laguna province ang liderato sa kanilang 38-35-36 gold- silver- bronze having Ang Baguio City Naman ay may 36-4760 sa g/s/b sa medla tally.

Nakabawi sa mga events na boxing at athletics ang dalawang LGUs kung kaya Naman pinagsasal­uhan nila ang bilang Ng ginto sa unang puwesto.

Tatlong gintong medalya ang naiuwi Magvrylle Chrause Matchino ng Laguna Province sa kanyang naging kampanya sa athletics event.

Matapos na makasungki­t ng ginto sa 4x100m relay, kung saan kasama niya sina Janine Dauba at Kyla Elona sa 52.0 panalo, naibulsa rin niya ang ginto buhat sa 4x400m relay kasama Naman Sina Evita Ruth Belloso at Sina Dauba at Elona sa 4:17.0 sa orasan.

Kumuha rin ng ginto si Matchino sa 2000m steeplecha­se sa 7:40.07 sa talaaan.

Samantala ang "barefoot athlete'" na si Lheslie de Lima ng Camarines Sur ay nakakuha naman ng kanyang ikalawang ginto, matapos na magwagi sa 800m sa 2:19.02 sa orasan.

Sa chess, ginto Ang inuwi ng pambato Ng Dasmarinas City sa Blitz 15u boys event na si Mark Kay Bacojo habang si Ma. Elayza Villa sa girls 15u Ng Blitz event.

Sa 12-under Ng Blitz event ay nagwagi naman 11-anyos na si Allan Gabriel Hilario ng Pulilan Bulacan.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines