Balita

Cristine, ‘in good terms’ sa ex-hubby

- Ni REGGEE BONOAN

FINALLY, inamin na ni Cristine

Reyes na hiwalay na sila ng asawang si Ali Khatibi, sa panayam sa kanya ni Karen Davila sa programa nitong Headstart sa ANC nitong Biyernes.

Matagal nang nasusulat na hiwalay na sina Cristine at Ali, pero walang kumpirmasy­on mula sa bida ng pelikulang Maria at isa sa cast ng seryeng Nang Ngumiti Ang Langit.

Sa nakaraang mediacon ng Nang

Ngumiti Ang Langit ay inabangan ng print media, bloggers at TV reporters si AA (tawag sa aktres), pero hindi siya nagpa-interview.

Inisip namin na mas gusto niyang umamin sa Headstart o baka impromptu ang tanong sa kanya kaya hindi niya nagawang itanggi? Pero imposiblen­g hindi alam ng aktres na itatanong ito sa kanya ni Karen dahil bago naman isalang ang mga guest ay may briefing sila.

“Civil” ang naging paglalaraw­an ni Cristine sa kasalukuya­ng relasyon nila ng ama ng anak niyang si Amarah.

“We’re in good terms, especially with things we have to do when it comes to Amarah,” sabi ni Cristine.

Kung tama kami ng hinala ay 2018 pa naghiwalay sina Cristine at Ali, dahil nakita namin, kasama ang ibang katoto, ang MMA fighter na may kasamang ibang babae sa special screening ng Buy Bust, na ginanap sa Trinoma Cinema 7.

At simula noon ay wala na kaming balitang nagsasama pa sina Ali at Cristine sa iisang bubong.

Sa pagkakakil­ala rin namin kay Cristine ay siya na mismo ang humihiwala­y kapag naramdaman niyang hindi na siya masaya sa isang relasyon.

Samantala, sa panayam kay Cristine sa Tonight with Boy Abunda nitong Biyernes ay hindi man lang nabanggit ang pangalan ni Ali, o napag-usapan ang ama ng anak niya.

Maging sa pahulaan ng mga litratong nagkaroon ng ugnayan kay Cristine ay hindi napasama ang litrato ni Ali. Ang mga kasama ay sina Richard Gutierrez (hindi naging boyfriend), Dennis Trillo, Rayver

Cruz, at Derek Ramsay.

Tinanong ni Boy Abunda kung ano ang gagawin ni Cristine kapag nasaktan siya.

“Bibili ng rifle and magpa-firing,” biro ng aktres.

Nag-imbita si Cristine na panoorin ang Maria at Nang Ngumiti Ang

Langit si Cristine sa Marso 25 at 27, respective­ly.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines