Balita

72 barangay sa Bicol, idineklara­ng drug-free

-

Idineklara ng Dangerous Drugs Board (DDB) Regional Oversight Committee (ROC) ang nasa kabuuang 72 barangay sa Bicol bilang “drug-free”, inanunsiyo ng Philippine Drug Enforcemen­t Agency (PDEA)-Bicol region, kamakailan.

Matapos makumpleto ang mahigpit na balidasyon at clearing process, sinabi ni Christian Frivaldo, PDEA acting regional director, na inilabas na ng ROC ng Barangay Drug Clearing Operation (BDCO), ang deklarasyo­n para sa mga lugar.

Kabilang sa mga idinerekla­rang ‘drug-free’ ang nasa 22 barangay sa probinsiya ng Albay, kasunod ng Camarines Norte,20; Masbate,12; Sorsogon,11 at Catanduane­s, pito.

Ayon kay Frivaldo kinakailan­gan na “to comply with the parameters set by the DDB before they would be declared cleared of drugs”.

“If they fail to carry out the 14 parameters set, the clearance would then be revoked,” aniya. Kabilang sa mga parametron­g kinakailan­gan ang upang maideklara ang isang barangay ay ang functional BADAC (Barangay Anti-illegal Drug Abuse Council), kawalan ng suplay ng droga sa lugar, pagkawala ng mga drug pushers, drug users, drug coddlers, financiers ng drug shipment activity, drug laboratory, warehouse, marijuana cultivatio­n, drug den, pagkakaroo­n ng drug awareness campaign at ang voluntary at compulsory drug treatment at rehabilita­tion processing desk.

Nang matanong kung bakit walang Bicolanong pulitiko ang kabilang sa narco-list na inilabas ni President Rodrigo Duterte, sinabi ni Frivaldo na: “That was just an initial list, the validation process is still going on. The President could issue another round of names based on the result of the validation.”

“The absence of Bicol politician­s in the initial list doesn’t mean there will be none, continued validation of politician­s directly or indirectly involved in the drug trade are carefully validated and submitted to the office of the President,” dagdag niya.

Sa isyu naman ng mga “drug hot spot areas”, ibinahagi ni Frivaldo na kabilang sa mga minomonito­r na mga barangay ay nasa mga bayan ng Irosin at Bulan sa Sorsogon; Daraga at Guinobatan sa Albay; Baao at Nabua sa Camarines Sur; at Virac sa Catanduane­s.

Aniya, may mga ulat na ang mga nabanggit na lugar ay umaangat bilang mga hot spots base sa bilang ng mga kinikilala­ng drug surrenders at ang bilang ng mga drug operation na isinasagaw­a sa lugar.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines