Balita

Indie producers, nganga kaya stop muna

- Reggee Bonoan

DAHIL sunud-sunod na local films ang hindi kumikita, tigil muna sa pagpo-produce ang grupo ng indie producers dahil mag-iipon daw uli sila. May ibang business at day job naman sila. Nganga kasi sa sinehan ang mga huling pelikula ng indie producers, kaya saka na lang daw ulit sila gagawa ng pelikula kapag naipatupad na ang Biyernes na opening ng local films, at ang natapyasan ang bayad sa sinehan.

Hindi naman nabanggit kung kasama sila sa meeting kamakailan kay FDCP Chairperso­n Liza Diño para sa kahilingan­g ilipat sa Biyernes ang pagbubukas ng mga pelikula, para may garantiyan­g tatlong araw (Biyernes, Sabado at Linggo) na hindi ito tatanggali­n kaagad sa mga sinehan.

Sa huling linggo ng Abril, o unang linggo ng Mayo na ang simula ng Friday opening, sa halip na Miyerkules. ‘Yung pagbabawas ng bayad sa sinehan para sa mga estudyante ay pinag-aaralan pa ng film producers at theater owners.

Going back sa grupo ng indie producers, plano rin pala nilang makipagtra­baho sa mga rating indie directors na napasok na ang mainstream, tulad nina Antoinette Jadaone, Sigrid Andrea Bernardo, Irene Emma Villamor at Jason Paul Laxamana.

“Kaso ‘yung direktor namin kasosyo namin kaya automatic lahat ng pelikulang ipo-produce namin gusto niya siya ang direktor lagi. Eh, siyempre bilang producer gusto mo rin ng ibang katrabaho.

“Okay naman si (kasosyong direktor) matipid nga, doon naman kami bilib. Kaso halata sa pelikula

na tipid din,” tsika sa amin ng isa sa grupo. “Nag-meeting na kami noon na baka puwedeng ibang direktor naman, pero hindi siya pumayag.”

Hindi naman daw kalakihan ang investment ng direktor, kaso marami siyang hawak na tao na, kumbaga package na.

“Kung magpo-produce kami at iba ang kukunin namin, medyo mahal sila, eh. Nagtanong na kami. Actually do’n sa mga nabanggit (director), mahal sila kasi may mga blockbuste­r movies na sila.

“Itong direktor namin wala pa, eh. Pahirapan pang maka break-even,” pagtatapat sa amin ng kausap naming indie producer.

Payo namin na subukan nila ang ibang direktor, tulad ng mga nabanggit, dahil posibleng makahit din sila. Sabi nga try and try until you succeed.

 ??  ?? Jasmine
Jasmine

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines