Anne, bilib na bilib sa kapatid
SINANG-AYUNAN ng mga nakabasa ang tweet ni
Anne Curtis na “Watched this highlight video of my Sestra for her performance in Sahaya. Hi, GMA! More roles like this for my amazing actress of a Sestra. Love you! Napakahusay mo talaga!!!”
Ang tinutukoy ni Anne ay ang napanood na clip sa isang eksena ni Jasmine Curtis-Smith sa Sahaya na sabi ni Jasmine ay her favorite scene. Ito ‘yung eksenang nasa dagat siya, pasakay sa bangka para makauwi sa isla nila. Mag-isa lang si Jasmine sa nasabing eksena at ang husay-husay niya.
In fact, ang husay ni Jasmine sa buong pilot episode, dalangdala niya ang karakter ni Manisan. May mga nanghinayang nga na hanggang pilot episode lang siya sa Sahaya. May mga nag-request din na i-extend ang labas niya bilang si young Manisan, kaya lang, nakalatag na ang story at hindi tatakbo kung mananatili si Jasmine.
Nababasa rin siguro ni Anne ang comments ng netizens na mas mahusay na aktres ang kapatid niya kaysa sa kanya at hindi siya na-offend.
Anyway, kinakalampag ngayon ng viewers ang GMA-7 na bigyan ng lead role sa teleserye si Jasmine dahil sa ipinakita nitong galing sa Sahaya. Huwag daw sayangin ng network ang galing ni Jasmine and for sure, nakarating na sa network ang request ng fans ni Jasmine.
Speaking of Jasmine, medyo na-off ito nang tanungin sa kanyang depression dahil parang hindi seryoso ang nagtanong. Sabi nito, hindi dapat ginagawang biro ang mental health at nagpapasalamat siya na okay na siya ngayon dahil sa pamilya niya, mga kaibigan at sa boyfriend niyang si Jeff Ortega.