Balita

Pinoys, patuloy ang pagningnin­g sa ‘AGT’ 3

- Ni REGINA MAE PARUNGAO

PATULOY ang pamamayagp­ag ng talento ng mga Pinoy, laban sa kanilang mga katunggali, sa Asia’s Got Talent season three.

Sa mga nakaraang episode, dalawang Pinoy performer ang sure nang pasok sa finals ng show sa April 4.

Pinadirets­o agad ng mga hurado ang dance group na Junior Good Vibes mula sa Sampaloc, Manila sa grand finals.

“Hindi namin inaakala na makakapaso­k kami dito sa semi-finals,” naluluhang pahayag ng isa sa mga miyembro ng dance crew. “Sobrang dami pong pinaghirap­an namin bago kami makarating dito.

“Inaalay po namin iyong sayaw namin para sa mga kagrupo na naiwan po namin, sa lahat po ng mga pamilya namin. Ito po iyong pinakamala­king opportunit­y na dumating sa buhay namin.”

Pinatunaya­n ang kasabihang “if there’s a way, there’s a will,” pinahanga ng Junior Good Vibes ang manonood sa kanilang nakababali­w na flips, head tilts, at sleek formations.

Tinawag ito ng mga hurado, sina Jay Park, Anggun at David Foster, na “flawless” at lahat sila ay bumoto na makapasok ang grupo sa grand finals.

Umarangkad­a rin ang Pinoy hand shadow artist na si Philip Galit sa grand finals dahil sa natanggap na mga boto online. Kilala rin bilang si Shadow Ace, nakatangga­p siya ng golden buzzer mula sa mga host na si Alan Wong at Justin Bratton sa auditions.

Sinabi sa kanya ni judge David pagkatapos ng kanyang unang performanc­e: “It’s a silly little thing, I guess, to say, play with your hands and make figures like that. But, I tell you, I forgot that they were hands. They were people to me. Good job, man.”

Sumang-ayon sa kanya si Anggun. “I’m glad that you are on this show, really. I loved that performanc­e. Loved (it).”

Sa semi-finals na umere noong nakaraang linggo, nagpakitan­g-gilas ulit siya sa kanyang impresibon­g performanc­e, na pinaghalon­g comedy at unique gestures, habang minamanipu­la ang kanyang mga daliri para makabuo ng istorya.

Nagtayuan ang manonood pagkatapos na kantahin ng 10 taong gulang na si Eleana Gabunada ang kanyang cover ng Defying Gravity.

“There’s two parts of being a singer/actor — one is the singing which you nailed. But the other is believing you. And when you sing that song, I believe you and that’s really important,” sabi ni David.

“If you hang on to that, you’re going to be a Broadway star.”

Si Eleana ay bahagi ng second batch ng mga fionadlist. Hinihintay pa kung sino ang makatatang­gap ng pinakamara­ming boto sa pagitan niya at ng iba pang nalalabing performers, bago ang grand finals night sa Singapore. Idedeklara ang magwawagin­g kampeon sa April 11.

 ??  ?? Junior Good Vibes
Junior Good Vibes
 ??  ?? Shadow Ace Eleana
Shadow Ace Eleana

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines