Balita

Alden, super busy na uli By early May, tuloy na ang mga shows ni Alden sa GMA Pinoy TV USA, kasama ang ilang Kapuso stars.

- N NORA V. CALDERON

EIGHT days lang ang naging bakasyon ni Alden Richards sa Holy Land, nitong March 13-20, dahil Thursday morning, March 21, ay balik-Pilipinas na siya at mukhang nagpahinga lang siya and freshen up. Nag-post kasi siya na nasa bagong food chain store niya siya kasama ang sister niyang si Riza Faulkerson na siyang magma-manage ng kanilang branch sa Biñan, Laguna, kasama ang staff and crew.

Malapit na kasi ang formal opening ng nasabing store ni Alden, sa April 26 na. Sa kasalukuya­n ay nasa finishing touches na lang ang store.

Kahapon, after ng live na Eat Bulaga, tumuloy na si Alden sa Candon, Ilocos Sur, para sa isang show doon at balik din siya after the show. On Sunday, live na rin siya sa Sunday PinaSaya at pagkatapos noon, mapapanood naman si Alden as guest bilang security guard sa comedy series na Dear Uge ni Eugene Domingo.

May taping pa next week si Alden para sa Lenten Special ng Eat Bulaga. Balitang this time ay sila lang nina Bossing Vic Sotto at Maine Mendoza ang bibida sa tig-iisang araw, from Holy Monday to Holy Wednesday, para sa three stories kasama ang ibang Dabarkads.

Pinaghahan­daan na rin ni Alden ang pag-alis nila ni Kathryn Bernardo para sa shooting ng untitled movie nila for ABS-CBN Production­s, their first movie team-up. Balitang three weeks silang magsu-shooting sa Hong Kong, dahil ang story raw ng movie ay tungkol sa OFWs doon.

Hindi pa sure kung may Holy Week break sila, na makakauwi pa sila rito or tuluy-tuloy ang pagsu-shooting nila roon, at uuwi lang si Alden just in time sa opening ng kanyang fast food store sa April

26.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines