Balita

Zac Efron at Amanda Seyfried sa ‘Scooby-Doo’

-

IPALALABAS ang Scooby-Doo sa big screen!

Sina Zac Efron at Amanda Seyfried ang magboboses kina Fred at Daphne sa animated film adaptation ng popular na cartoon series, kinumpirma ng PEOPLE.

May titulong Scoob, ito ang unang pelikulang gagawin ng Warner Bros.’ simula nang ipalabas ang 2004 live-action film na ScoobyDoo 2: Monsters Unleashed sa

sinehan.

Kabilang din sa cast sina Gina Rodriguez as Velma, Will Forte as Shaggy, Tracy Morgan as Captain Caveman at Frank Welker sa boses ni Scooby-Doo.

Ang direktor na si Tony Cervone ang magdidirih­e ng proyekto katuwang sina Chris Columbus, Pam Coats at Allison Abbate bilang mga producer, iniulat ng Deadline.

Sa Scoob, magsasanib-puwersa sina Fred, Daphne, Velma, Shaggy at si ScoobyDoo para isalba ang mundo mula kay Dick Dastardly, ang kontrabida na unang lumabas sa animated series noong 1968.

Ini-release ng Warner Bros. ang unang live-action film para sa serye noong 2002,

ang Scooby-Doo, na pinagbidah­an nina Sarah Michelle Gellar, Freddie Prinze Jr., Linda

Cardellini, Matthew Lillard at si Frank din ang nagboses kay Scooby-Doo.

Tumabo ito ng $275 million sa world box office mula sa budget na $84 million. Ang sequel nitong Scooby-Doo 2: Monsters Unleashed ay kumita ng $181 million worldwide mula sa budget na $80 million.

Unang umere ang Scooby-Doo sa telebisyon noong 1969 sa Scooby-Doo, Where Are You! na tungkol sa istorya ng apat na teenager at ng nagsasalit­ang si Scooby-Doo, sa mundo ng supernatur­al creatures.

 ??  ?? Zac at Amanda
Zac at Amanda

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines