Balita

Pakistani, doppelgang­er ni Peter Dinklage ng ‘Game of Thrones’

-

SIKAT ngayon ang Pakistani waiter na si Rozi Khan online, dahil sa taguring siya ang doppelgang­er ng karakter na si Tyrion Lannister, ang dwarf anti-hero sa Game of Thrones.

Kamukha ng 25 taong gulang ang aktor na si Peter Dinklage — na gumanap bilang ang matalino at wily nobleman sa unang season ng serye noong 2010 — at maraming fan ang laging nagpapakuh­a ng litrato kasama siya.

“I don’t mind. A lot of my pictures have been taken, that’s why I have become very famous everywhere,” aniya.

Hindi lang ang mukha nina Rozi at Peter ang magkahawig na magkahawig, magkasingt­aas din sila (135 cms or 4 ft 5in).

Sikat na ang kanilang pagkakahaw­ig sa social media.

“Wherever I go, someone says to me: ‘Sir, who is this man with you on Facebook’, I say that he is my friend. ‘He looks like you’. I tell them he is my brother. It’s not a bad thing,” sabi ni Rozi.

Nagwagi na ang television series ng 47 Emmys—nahigitnam­aramikaysa­ibangficti­onal show s a kasaysayan

— pati ang Golden Globe para kay Peter, 49, para sa best supporting actor noong 2012.

Ang final series ng show ay nakatakdan­g ilabas sa April 17.

Samantala, nagtatraba­ho si Rozi sa maliit na Kashmiri restaurant sa Rawalpindi.

Inilarawan siya ng may-ari na si Malik Aslam Pervez na “hard-worker — and also a drawcard for the eatery”.

“When he takes a day off or gets sick, people look for him and ask where did he go? They get upset. They love him. There is always a crowd here but it has boomed because of him,” aniya.

Isinilang sa Mansehra sa northern Pakistan, sinabi ni Rozi na gusto niyang makita si Peter, at inilarawan niya ito bilang kaibigan o kapatid.

“I love him very much, he is my friend… he is my height so I like him a lot,” ani Rozi.

 ??  ?? Rozi
Rozi

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines