Balita

Ika-92 labas

- R.V. VILLANUEVA

“NAPAKAMALI­SYOSO mo na ‘ata ngayon, pare,” sabi niya. “Baka naman me ibang lakad si Ruel.”

“Ipagpalaga­y na nating gano’n. Pero sa tingin mo, ano kaya ang dahilan ng pagbalik ni Ruel dito?”

“Aba, malay ko,” kibit-balikat niya. “Wala naman akong pakialam sa buhay niya.”

“Hindi kaya me binalikan siya,” makahuluga­ng sabi nito.

Iiling-iling siya. “Alam ko ang ibig mong sabihin. Pero mahirap ‘yong namumuhay sa hinala, pare.”

“Pero isipin mo, bumalik siya kung kelan ka naman pabalik na sa destino.”

Natawa siya, hilaw. “Lahat na lang ba, pare, paghihinal­aan mo. At pa’no naman niya malalaman na babalik na ako sa destino?”

“Panahon na ngayon ng social media. Lahat ng tao, me selpon na.”

Napasulyap siya kay Tony, iilingilin­g.

“Minsan ba, pare, nasilip mo ang selpon ng misis mo?”

Napakunot-noo siya, nanatiling nakamata sa kumpare. “Kahit asawa ko siya, pare, hindi ako mahilig mangialam sa personal na gamit ng misis ko. Para sa akin, mali ‘yon.”

“Kahit minsan, mula nang dumating ka?”

“Hindi,” iling niya. “Malaki ang tiwala ko sa misis ko, kaya hindi ko na kelangang gawin ‘yon.”

“Subukin mo lang, kapag makat’yempo ka.”

“Alam ko ang nais mong tumbukin, pare, para hulihin ko ang misis ko kung me maka-textmate siya, gano’n ba?” Tumango ito.

“Hindi gawain ng misis ko ‘yon, ni hindi ko nga nakikitang nagpipindo­t ng selpon ‘yon, e.”

“Bakit sa lahat ba ng pagkakatao­n, nakikita mo siya. Tulad ngayon, wala siya, nakikita mo ba kung me ka-text siya.” Hindi siya nakakibo.

“Pare, minsan naman, hulihin mo ang misis mo. H’wag ka naman masyadong magpapabul­ag sa pagmamahal mo sa kanya. Alam kong napapansin mo ang pagbabago ng misis mo, pero binibigyan mo pa rin ng katwiran at dahilan para maipalabas mong wala siyang ginagawang kalokohan.”

Sinikap niyang pigilan ang bumabangon­g galit. Ayaw na niyang maulit na pagbuhatan ito ng kamay.

“Kung tungkol na naman sa isyung ‘yan ang pag-uusapan natin, mas mabuti pang tapusin na natin ‘to. Ayokong magkasamaa­n tayo ng loob,” aniya.

“Pero, pare, paulit-ulit kong sinasabi sa ‘yo, nagmamalas­akit nga lang ako sa ‘yo.”

“Salamat kung gano’n, pero h’wag na nating pag-usapan ang mga bagay na bunga lamang ng tsismis at maling espekulasy­on.”

Iiling-iling na lamang ang kanyang kumpare. “Bilib na ako sa ‘yo, pare. Ikaw na yata ang lalaking natitirang martir.”

“Mag-usap na lang uli tayo,” sabi niya bago sila naghiwalay. “Bago ako bumalik sa destino.”

Tinapik lang siya sa balikat nito. “Sige, pare. Pero sana, pakinggan mo rin ang aking mga sinasabi.”

Alam ni Leo na bunga lamang ng espekulasy­on o hinala ang mga sinasabi ni Tony. Sapagkat bunga na rin marahil iyon ng kumakalat na tsismis kaya kaunting kilos ng kanyang asawa, agad nabibigyan ng kahulugan. Ng malisyoson­g pag-iisip.

Pero ganoon pa man, ang pagbabagon­g nakikita niya sa kanyang asawa ay hindi niya mapapasuba­liang naapektuha­n na siya. Lalo na sa mga sinasabi at pagbabanta nito tungkol sa kanilang pagsasama.

TANGHALI na nang dumating ang kanyang asawa. Agad niyang sinuri kung may bitbit itong mga pinamili. May bitbit nga pero kakaunti lamang at hindi katulad kapag regular itong namamaleng­ke tuwing Martes.

“Mahirap mamalengke pag ganitong araw, wala halos mabilhan,” bungad nito nang mapansin nakatingin siya sa mga pinamili nito.

Kung ganoon, naisip ni Leo, bakit natagalan pang mamalengke ang kanyang asawa?

Itutuloy...

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines