Balita

Bawas-singil sa mga ‘no water’, giit

- Ni VANNE ELAINE P. TERRAZOLA May ulat ni Beth Camia

Iginiit ni Senator Grace Poe na magpatupad ang Manila Water Company, Inc. ng patas na paniningil sa mga customer nito ngayong Marso at sa mga susunod na buwan, partikular ang mga kinakapos sa supply ng tubig.

Ito ang naging apela ni Poe at sinabing ang paghingi ng paumanhin ng Manila Water sa mga customer nito ay dapat na idaan sa pagpapatup­ad ng bawas-singil sa mga buwang bigo ang kumpanya na mag-supply ng sapat na tubig.

“Manila water can absorb it, their income will not dry up. It is a drop in their bucket of profits,” saad sa pahayag ni Poe, chairperso­n ng Senate Committee on Public Services. “An apology is best expressed monetarily.

“Manila Water should not be reaping profits even if the taps have run dry. Kung walang tumulong tubig sa gripo, bakit tayo magbabayad?” dagdag niya.

Itinakda kahapon ang pakikipagp­ulong ng Metropolit­an pulis Waterworks and Sewerage System (MWSS) sa mga opisyal ng Manila Water upang talakayin ang adjustment­s sa singil nito.

Una nang umapela ang MWSS sa Manila Water na bawasan ang singil o huwag nang maningil sa buong Marso.

Sinabi ni Poe na dapat na tiyakin ng MWSS na hindi maaagrabya­do ang publiko sa computatio­n ng Manila Water sa babawasin nitong singil. Aniya, dapat na isagawa agad ang bill adjustment pagkatapos magpulong ng MWSS at Manila Water.

“This should be treated as an urgent matter, and should be felt by the consumers as soon as possible,” apela ni Poe.

Matatandaa­ng nagsagawa noong nakaraang linggo ng pagdinig ang komite ng senadora kaugnay ng kakapusan sa tubig, na nakaaapekt­o pa rin sa mga lugar sa silangang Metro Manila at karatiglal­awigan.

Sa hearing, hinimok ang Manila Water na mag-alok ng rebate at bawasan ang singil nito sa mga customer nito ngayong Marso.

Kaugnay nito, anim sa 30 barangay sa Pasig City ang labis na naapektuha­n ng water crisis, kaya naman nakipagtul­ungan ang Pasig Command Center sa Manila Water upang mahatiran ng tubig ang mahigit 120,000 bahay na nawalan ng tubig.

Nagpadala rin ng 60 water tankers, na nagbigay ng paunang tulong sa Rizal Medical Center at Pasig City General Hospital.

Nagpulong sina Pasig Mayor Bobby Eusebio at Ritche Van Angeles, hepe ng National Disaster and Risk Reduction Management Office kasama ang mga opisyal ng Manila Water, para planuhin ang pagpupuno sa mga water tankers.

Sa ngayon, halos 99% na ng Pasig ang may tubig mula walo hanggang 12 oras, bagamat sa unang palapag lang ng mga gusali ito umaabot.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines