Balita

‘Kotong cop’, dinakma sa Crame

- Martin A. Sadongdong

Isang opisyal ng pulisya ang inaresto sa loob mismo ng Philippine National Police (PNP) headquarte­rs sa Camp Crame kaugnay ng umano’y pangongoto­ng nito sa mga security guard na kumukuha ng ID.

Ito ang kinumpirma kahapon ni PNP Chief Director General Oscar Albayalde sa biglaang pulong balitaan, at kinilala ang inaresto na si Capt. Gerry Manuel Revecho, hepe ng ID Production Section ng Supervisor­y Office for Security and Investigat­ion Agencies (PNP-SOSIA).

Sinabi ni Albayalde na inaresto si Revecho ng mga tauhan ng Counter-Intelligen­ce Task Force (CITF), Civil Security Group (CSG) at Intelligen­ce Group (IG) sa loob ng opisina ng SOSIA nang tanggapin umano nito ang P20,000 marked money, Biyernes ng hapon.

Gayunman, kahapon lang isinapubli­ko ng PNP ang insidente.

Binigyang-diin ni Albayalde na tambak na ang reklamong natanggap ng CITF laban kay Revecho, kaugnay ng umano’y pangingiki­l nito sa 32 security guard, kapalit ng mabilisang pagpapalab­as ng ID ng mga ito.

“There were complaints against him and that triggered the operation. According to the complainan­ts, he was asking for P20,000 to facilitate or expedite the processing of the IDs of the security guards,” ani Albayalde.

Sinibak na ni Albayalde si Revecho habang iniimbesti­gahan ito, at mahaharap sa paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act, Anti-Red Tape Act, at mga kasong administra­tibo.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines