Balita

NDF consultant, 2 pa, arestado

- Ni DANNY ESTACIO

Natimbog ng mga awtoridad ang isang umano’y consultant ng Communist Party of the Philippine­s-New People's Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) at dalawa pang opisyal ng kilusan sa isang pagsalakay sa Barangay Calumpang, Liliw, Laguna, nitong Linggo ng umaga.

Sa ulat ng Police Regional Office 4A (PRO4A), kinilala ang tatlo na sina Francisco Fernandez, 71, tubong Dumanhog, Cebu City; Cleofe Lagtapon, 66, tubong Negros Occidental, at Gee Ann Perez, 20, tubong Lapu-Lapu City, Cebu, pawang taga-Bgy. Calumpang, Liliw, Laguna.

Sa rekord ng pulisya, si Fernandez ay tumatayong consultant ng NDF, at isa ring chairman at spokespers­on ng Negros-Regional Deputy Secretary for Organizati­on habang si Lagtapon ay tumatayong Regional Deputy Secretary for Communicat­ions -Regional Deputy Secretary for Education Komite Rehiyon- Negros Cebu Bohol Siquijor (KR-NCBS).

Isa namang Regional Communicat­ions staff, ng KR NCBS si Perez, 20, na tubong Lapu-Lapu City, Cebu, at taga-Calumpang Liliw, Laguna. Siya ang humahawak ng posisyon sa Regional Communicat­ions Staff, Komite Rehiyon-Negros Cebu Bohol Siquijor (KR-NCBS).

Ang tatlo ay dinakip ng pinagsanib na puwersa ng Laguna Provincial Intelligen­ce Branch, Intelligen­ce Service, AFP (ISAFP), District Intelligen­ce Division Manila Police District- National Capital Regional Police Office (DIDMPD-NCRPO), 33 Military Intelligen­ce Company (MICO), 1st Infantry Battalion (1IB), 202nd Infantry Brigade (202 Bde), Liliw Municipal Police Station at National Intelligen­ce Coordinati­ng Agency Region 7 (NICA7), sa hideout ng mga ito sa naturang lugar, sa kasong murder, dakong 5:16 ng madaling araw.

Nahuli sa pag-iingat ng tatlo ang tatlong cal. 45 pistol, tatlong magazine ng kalibre 45 pistola, 15 bala, tatlong granada, dalawang sling bags, back pack, mga dokumento at tatlong cellular phones.

Ang mga ito ay nasa kustodiya na ng Military Intelligen­ce Group Region 4 (MIG4) matapos silang maimbestig­ahan ng Laguna Provincial Police Office.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines