Balita

Maine, Box Office Queen

- Ni NORA V. CALDERON

MAAYOS na natapos ang awarding ceremonies ng 50th Box Office Entertainm­ent Awards last Sunday, March 24, sa Star Theatre sa Star City. Narito ang ilang sidelights sa said awards night hosted by Kim Chiu, Enchong Dee, Jerome Ponce, Elisse Joson and Jodi Sta. Maria.

Sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo ang itinampok na Phenomenal Stars of Philippine Cinema. Sila rin at ang buong production ng movie nilang The Hows of Us ang binigyan ng Golden Jury Award for Highest Grossing Film of All-Time.

Ang Box Office Queen na si Maine Mendoza lamang ang dumalo, wala ang kanyang mga Box Office Kings na sina Vic Sotto (na nasa Hong Kong at nagti-taping ng kanilang Lenten Special for Eat Bulaga), at Coco Martin. Pareho namang nagpadala ng taped thank you messages ang dalawang bida ng Jack Em Popoy: The Pulis Credibles.

On her way palabas ng venue, nadaanan ni Maine sina Daniel at Kathryn at parehong tumayo ang dalawa para magbeso kay Maine.

Maagang tinanggap ni Kapuso Primetime Queen

Marian Rivera ang kanyang Bert Marcelo Lifetime Achievemen­t Award. Kabuwanan na raw niya, naroon pa rin siya.

Nagpasalam­at si Marian at ibinahagi niya na ang dami na niyang nagawang movies and teleserye, pero dream niyang makaganap bilang isang ina. Three years ago, ibinigay daw sa kanya iyong role na iyon nang isilang niya ang panganay nila ng asawang si Dingdong Dantes, si Letizia. At ngayon, may kasunod na, at malapit na niyang isilang ang pangalawa niyang baby.

Sa tatlong pinarangal­an ng gabing iyon na pawang icons ng Philippine Cinema—sina Eddie Garcia at Ms.

Gloria Romero na binigyan ng Golden Jury Awards at All-Time Favorite Actor and Actress of All Time; at ang Corazon Samaniego Lifetime Achievemen­t Awardee na si Ms. Nora Aunor—tanging si Eddie lang ang nakarating. Si Ms. Romero ay ipinasok sa hospital for her vertigo last Thursday, samantalan­g naospital din si Ms. Aunor last Saturday morning dahil sa pananakit ng paa.

Ang mag-asawang Ogie Alcasid at Regine Velasquez ang naghandog ng mga awitin sa kanila. Tinanggap naman ng mag-asawa ang Male and Female Concert Performer of the Year.

Tinanggap naman ni Judy Ann Santos ang kanyang first Comedy Actress Award sa pagganap nila ni Angelica Panganiban sa Mr. & Mrs. Reyes, pero hindi nakarating si Angelica na winner din. Napili ring Best Dressed Celebrity of the Night si Juday at bukod sa gifts and flowers, may P25,000 cash prize din siyang tinanggap.

Pinaka-excited si Jo Berry dahil sa first acting award niya as Most Promising Female Star for Television, sa pagganap niya sa Onanay.

Na-excite rin si Ken Chan, dahil bukod sa kanyang TV Actor of the Year Daytime Drama award for My Special Tatay, mas na-excite siya na nanalo rin ang kanilang soap as Popular Daytime Drama.

Produced by Airtime Marketing Inc. ni Tessie Celestino ang 50th Box Office Entertainm­ent Awards, na ang kabuuan ay mapapanood sa Sunday, March 31, sa ABS-CBN, pagkatapos ng Gandang Gabi Vice.

 ??  ??
 ??  ?? Maine
Maine

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines