Balita

Ayaw sa doble-plaka? Sa korte dumiretso

- Ni Argyll Cyrus B. Geducos

Sa korte dapat dumulog at umapela ang mga motorcycle riders na tutol sa Motorcycle Crime Prevention Act, kung sa tingin nila ay unconstitu­tional ang bagong batas.

Ito ang tugon ng Malacañang matapos magtipun-tipon nitong Linggo ng umaga ang libu-libong motorista malapit sa EDSA People Power Monument para sa nationwide “Unity Ride” laban sa nasabing batas.

Itinatakda ng Republic Act 11235 ang paglalagay ng mas malaking plaka sa harap at likod ng motorsiklo. Maaaring magmulta ng hanggang P100,000 ang lalabag sa nasabing bagong batas.

“They feel it’s unconstitu­tional? They can always raise that before the courts,” sabi ni Presidenti­al Spokespers­on Salvador Panelo.

“Of course [paninindig­an ni Duterte ang doble-plaka]. He has signed it,” dagdag ni Panelo.

Ayon kay Panelo, maging ang Pangulo at anak nitong si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio ay susunod sa batas kahit pa motorcycle enthusiast­s ang mga ito.

Nitong unang bahagi ng buwan, nilagdaan ni Duterte ang Motorcycle Crime Prevention Act na layuning maiwasan ang mga krimen ng mga riding-in-tandem sa pamamagita­n ng paggamit ng mas malaking plaka na mababasa hanggang sa layong 15 metro, at color-coded depende sa rehiyon.

Iginigiit ng mga grupo ng nagmomotor­siklo at maging ang transport groups na magdudulot ng panganib hindi lang sa rider kundi maging sa mga pedestrian ang mas malaking plaka sa motorsiklo.

 ?? MARK BALMORES ?? PANSAMANTA­LANG TIRAHAN Alinsunod sa memorandum of understand­ing ng Quezon City at ng PDEA hinggil sa pagbibigay ng pansamanta­lang matutuluya­n sa mga batang lansangan, ilang batang palaboy ang pinatuloy sa Sagip Batang Solvent Reformatio­n Center sa Quezon City, kahapon.
MARK BALMORES PANSAMANTA­LANG TIRAHAN Alinsunod sa memorandum of understand­ing ng Quezon City at ng PDEA hinggil sa pagbibigay ng pansamanta­lang matutuluya­n sa mga batang lansangan, ilang batang palaboy ang pinatuloy sa Sagip Batang Solvent Reformatio­n Center sa Quezon City, kahapon.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines