Balita

Paghahabi para sa kababaihan at kalalakiha­n

-

UPANG wakasan ang pananaw at mga limitasyon ng gampanin ng mga kababaihan at kalalakiha­n sa isang lipunan, inilunsad kamakailan ng National Museum Western Visayas ang isang hablon weaving demonstrat­ion.

Aktuwal na naranasan ng nasa 63 kalahok mula sa mga pampubliko at pribadong paaralan at mga unibersida­d, kasama ng iba’t ibang institusyo­n, grupo ng mg artist at mga turista ang paghahabi ng tela gamit ang “teral”.

Isinusulon­g ng programa ang ideya na maaari makilahok ang mga kalalakiha­n sa industriya ng paghahabi.

Bago ang pagpapakit­a ng paraan ng paghahabi, nagbigay muna ang 65-anyos na eksperto sa paghahabi na si Connie Atijon ng Miag-ao town, Iloilo ng maikling lektura kasama ng kanyang anak.

Binigyang-diin ni Connie na kailangang pahalagaha­n ng nakababata­ng henerasyon ang tradisyon ng paghahabi at subukang pag-aralan ang proseso nito kung mabibigyan ng pagkakatao­n.

Umaasa din siya na maipapasa niya ang kanyang galing sa paghahabi sa mga kabataan upang matiyak na maipagpapa­tuloy ang lumang tradisyong ito.

“Some of the youth now prefer to play with their gadgets than learn traditions like hablon (weaving). I hope they give time learning how to weave,” pahayag ni Connie.

Pagmamalak­i rin niya marunong gumamit ng teral ang kanyang limang anyos na apo, isang patunay na hindi hadlang ang edad upang matuto ang nagnanais.

Sinabi naman ng kanyang anak na si Franco, na hindi maididikta ng kasarian ang dapat na gawin ng isang tao.

Tinutulung­an niya ang kanyang ina sa negosyo nitong paghahabi sa Barangay Indag-an, Miagao, Iloilo, na may 20 maghahabi at 20 teral.

“I encourage my fellow men to learn weaving. This work and passion is not only for women,” panawagan niya sa isang panayam.

Pagbabahag­i ni Connie, hindi lamang nasusuport­ahan ng hablon ang kanilang pangangail­angan sa araw-araw ngunit nagbibigay din ito ng identidad sa mga kababaihan sa Visayas.

Patuloy ang pagsisikap upang buhayin muli ang tradisyon ng paghahabi sa Iloilo sa pamamagita­n ng Cotton Developmen­t Program na inilunsad ng Philippine Fiber Industry Developmen­t Authority sa bayan ng Miag-ao.

Nakikipagt­ulungan din ang Department of Science and Technology - Philippine Textile Research institute sa Iloilo Science and Technology University upang magtayo ng isang Yarn Production and Innovation Center sa Miag-ao.

Sa tulong ng mga hakbang na ito ng pamahalaan, umaasa si Connie na patuloy na yayabong at uunlad ang paghahabi ng hablon.

Ang hablon ay Hiligaynon para sa “habol” na tumutukoy sa proseso ng paghahabi ng tapos na produkto nito.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines