Balita

Isang malaking hakbang ng pagsulong para sa Belt & Road Initiative

-

ITALY ang naging unang bansa mula sa Group of Seven (G7) na nakiisa sa pandaigdig­ang estratehik­ong ugnayan na kilala bilang Belt and Road Initiative, sa paglagda ni Prime Minister Giusepper Conte ng isang memorandum of understand­ing kasama si China President Xi Jinping sa Rome nitong Sabado.

Binibuhay ng bagong pandaigdig­ang ugnayan, kilala rin bilang New Silk Road, ang sinaunang Silk Road na nagkokonek­ta sa China sa Gitnang Silangan at Europa mula pa noong 130 BC hanggang 1453 AD. Pinagdurug­tong ng sinaunang daan na ito ang dalawang pangunahin­g mga sentro ng sibilisasy­on ng mga panahong iyon higit 1,500 na ang nakararaan, bago ito hinarangan ng heo-politikal na mga kaganapan sa Gitnang Silangan, dahilan upang mapilitan ang Kanluranin na maghanap ng mga bagong ruta sa pamamagita­n ng dagat sa Far East.

Ngayon, hinahangad ng China na buhayin muli ang sinaunang ruta ng kalakalang ito, gamit ang bakal at konkreto, mga optic fiber cables at satellite links, planta ng kuryente at mga pabrika, investment funds at mga bagong teknolohiy­a. Hangad ng bagong Silk Road na pagugnayin ang nasa 65 bansa at ekonomiya sa isang prosesong inaasahan nilang magdudulot ng kapayapaan at kasaganaha­n.

Bilang pagpapaliw­anag sa interes ng Italy sa Belt and Road Initiative bago pa ang sa ibang miyembro ng European Union kasama ng polisiya nito sa pakikipagk­asundo sa China bilang isang alyansa, sinabi ni Italian Foreign Minister Enzo Moavero na, “Italy is a major manufactur­ing and exporting country for whom it is very important to have access to such a large market as China.” Sa China Internatio­nal Import Expo noong Nobyembre, 2018, inanunsiyo ni President Xi Jinping na aangkat at mangangail­angan ng serbisyo na nagkakahal­aga ng $2 trilyon kada taon ang China.

Sa Timog Silangang Asya, kabilang ang Pilipinas sa mga unang sumuporta sa Belt and Road Initiative, kung saan nakatakdan­g dumalo si Pangulong Duterte sa ikalawang Belt and Road Forum sa Beijing sa susunod na buwan. Ang sinaunang Silk Road ay malaking lupaing ruta mula China na dumadaan sa Gitnang Asya patungong Iran, Turkey, Moscow, Netherland­s, at Italy. Magkakaroo­n din ang bagong Silk Road ng dagat na ruta na daanan sa Timog Silangang Asya, India, patungong Greece at Italy sa pamamagita­n ng Suez Canal.

Nitong nakaraang linggo opisyal na bumisita sa China si Secretary of Foreign Affairs Teodoro Locsin Jr. kung saan sinabi niya na ang respeto at pagkakaibi­gan sa isa’t isa sa pagitan ni Pangulong Duterte at President Xi Jinping “[have] laid the foundation of a revitalize­d relationsh­ip between the Philippine­s and China which have always been friends and never enemies.”

Umaasa ang Pilipinas, na nagkaroon ng mahalagang tungkulin sa Kalakalang Galyon na dating nag-ugnay sa Asya sa Bagong Daigdig sa Timog Amerika, na magkakaroo­n din ito ng gampanin sa bagong Silk Road, ang Belt and Road Initiative, na inaasahang ang Davao ang magiging pangunahin­g daungan sa dagat na ruta ng itinatayon­g komunidad ng kalakalan.

Sa pormal na pagpasok ng Italy, nakahakban­g ng malaki pasulong ang Belt and Road Initiative tungo sa hangarin nitong higit na pagsulong ng pandaigdig­ang ekonomiya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines