Balita

Mga hukom, prosecutor, showbiz, media, sangkot sa droga?

- Bert de Guzman

BUKOD pala sa mga pulitikong kandidato sa 2019 midterm elections—mayors, congressme­n, provincial board member, vice mayors at iba pa—na nasa narco-list ni Pres. Rodrigo Roa Duterte at ng Department of Interior and Local Government (DILG), ang Philippine Drug Enforcemen­t Agency (PDEA) ay may narco-list din ng 13 hukom, 10 prosecutor, showbiz personalit­ies, at mga miyembro ng media na umano’y sangkot sa illegal drug trade sa bansa.

Sinabi ni PDEA Director General Aaron Aquino na ang listahan ng mga hukom at prosecutor­s na dawit umano sa illegal drugs ay hindi muna nila isasapubli­ko dahil isinasaila­lim pa ito sa masusing pagsusuri at validation.

Gayunman, sinabi niya na kapag iniutos ni PRRD na ihayag ang kanilang mga pangalan, ipakikita niya ito sa publiko bagamat kailangan pa ang validation, na baka magtatagal pa.

Inamin ni Aquino na medyo dismayado siya sa hukuman, lalo na kapag idini-dismiss ng mga hukom at prosecutor ang mga kaso tungkol sa droga at napapawala­ng-sala ang mga akusado. Binanggit niya na minsan, ang PDEA pa ang pinagbibin­tangang “nagtanim” ng ebidensiya na naging daan para ma-acquit ang anak na babae ng isang convicted drug trafficker sa Maynila. Hindi naman binanggit ni Aquino kung nagkaroon ng suhulan.

Para naman sa Philippine National Police, sinabi ni PNP spokesman Senior Supt. Bernardo Banac na hindi na bago sa kanila ang mga ulat hinggil sa pagkakasan­gkot ng mga hukom at prosecutor sa ilegal na negosyo ng droga. Patuloy sila sa pangangala­p ng mga impormasyo­n at ebidensiya, tulad ng ginagawa nila sa iba pang drug personalit­ies sa ilang sektor.

Senior Supt. Banac, huwag na kayong lumayo, tumingin kayo sa paligid at hanay ninyo, may mga opisyal at tauhan daw ng PNP na sangkot sa illegal drug trade bilang protector.

Sabi nga ng kaibigan kong palabirosa­rkastiko-pilosopo at senior jogger na madalas kasama sa kapihan, dapat daw bilisan ng PDEA at PNP ang pangangala­p ng mga ebidensiya at validation hinggil sa pagkakasan­gkot ng mga tarantadon­g hukom at prosecutor. Hindi raw masasabi ng publiko na maging sa larangan ng droga, may umiiral ding diskrimina­syon sa narcolist.

Itinatanon­g ng dalawang matanda, este nina palabirong kaibigan at senior jogger, bakit daw ang listahan ng mga kandidato ay isinapubli­ko, pero atubili sila sa paghahayag ng mga pangalan ng judges, prosecutor­s, showbiz celebritie­s at media people? Bakit nga kaya? Dahil daw ba sa eleksiyon?

Totoo kayang harap-harapan na nagbanta si MNLF Chairman Nur Misuari kay PDu30 na maglulunsa­d sila ng giyera kapag nabigo ang pederalism­o na higit na pinapabora­n ng MNLF kaysa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARRM) na pinagtibay na sa Mindanao?

Tinugon naman siya ng ating Pangulo at sinabihan si Misuari na handa ang gobyerno na ipagtanggo­l ang kalayaan at protektaha­n ito laban sa mga insurgent.

Mr. President, hindi maganda ang ganitong pahayag ng MNLF chairman. Kailangang hindi ninyo siya binebeybi at dinadala sa Malacañang dahil baka akala niya ay importante pa siya, gayong ang MILF ni Ebrahim ay kaalyado na ng inyong administra­syon.

Bukod dito, sinasabi ng mga mamamayan na ang ganitong banta ay panganib sa soberanya ng Pilipinas, maituturin­g na “incitement to sedition” o pag-aalsa sa hinaharap.

Eh, bakit daw si Sen. Antonio Trillanes IV ay inihabla ninyo ng inciting to sedition gayong sinabi lang nito sa militar na magingat at huwag sundin ang ilegal na utos ng Pangulo? Bakit nga ba?

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines