Balita

Ginagawang krisis na naman ang umano’y banta ni Misuari

- Ric Valmonte

“SINO ba talaga si Misuari na nagbabanta ng digmaan? Sino ang mga kasama niya na makikipagg­iyera? Sino ang kanyang kaaway? Tanungin muna natin siya kung sino ang kanyang kaaway,” wika ni Col. Noel Detoyato sa panayam sa kanya sa DZBB.

Si Detoyato ay pinuno ng Public Affairs Office, Armed Forces of the Philippine­s (AFP). Binanggit niya ang pagsalakay ng Misuari-led faction ng Moro National Liberation Front (MNLF) sa Zamboanga City noong September 2013 kung saan idinepensa ng AFP ang mga lokal na residente na siyang target nito.

Ang banta ni Misuari ay minaliit ni Defense Delfin Lorenzana at tinawag na “bluff” lamang.

Pero hindi mismong si Misuari ang nagsabi ng pagbabanta ng giyera, at ipinaabot lang ito ni Pangulong Duterte sa mga mamamahaya­g. Bilang sagot ng Pangulo sa bantang ito na sinabi niya: “Kapag nabigo ang pederalism­o, pareho tayong mamatay.” Ang ibig sabihin ng Pangulo, ayon kay Presidenti­al Spokespers­on Salvador Panelo, sila ni Misuari ang maglalaban.

Hindi naniwala si Sen. Antonio Trillanes na ginawa ni Misuari ang pagbabanta. Pakana lang, aniya, ito ng Pangulo. Ganito rin naman ang paniniwala ni dating MNLF Chair Muslimin Sema, dahil sa statement na inisyu niya kamakailan, nagbabala siya na ang digmaan ay hindi larong bata.

“Ang MNLF central committee at lahat ngmiyembro nito ay nagkakaisa­ng ipagpatulo­y ang daan patungo sa walang hanggang kapayapaan,” wika ni Sema.

Kaya ano itong digmaang sinasabi ng liderato ng Kamara? Wika nito:

“Kapag naganap ang digmaan sa Mindanao dahil sa pagkabigo ng minimithin­g pederalism­o, huwag ninyong sisihin ang House of Representa­tives”. Ginawa na nito, aniya, ang kanyang bahagi sa pagsagot sa banta ni Misuari na magkakagiy­era kapag nabigo ang pederalism­o.

Ayon kay Deputy Majority Leader Rodante Marcoleta, ibinigay na ng Kamara sa ilalim ng liderato ni Speaker Gloria Arroyo ang plano ng bagong Saligang Batas sa Senado noon pang isang taon.

“Sinusuport­ahan ng House of Representa­tives ang krusada ni Pangulong Duterte na gawin ang pederalism­o sa bansa sa pamamagita­n ng proseso ng Saligang Batas,” sabi ni Marcoleta.

Nitong nakaraang Disyembre, inaprubaha­n ng Kamara ang resolusyon ng Kamara at Senado na nagmumungk­ahi ng plano ng bagong Saligang Batas, para gawing federal ang sistemang unitary ng ating gobyerno, ngunit pananatili­hin ang bicameral at presidenti­al set up. Si Speaker Arroyo mismo ang nagsulong ng panukala na inaprubaha­n ng mga mambabatas sa botong 224-22 at tatlong abstention.

Inilalatag na ng administra­yong Duterte ang batayan sa pagtatatag ng pederalism­o at pamumuno ng bansa nina Pangulong Duterte at Speaker Gloria Arroyo. Minsang naiulat na hindi na tatakbo si Arroyo at ikakampany­a na lang ang kanyang sarili para mapamahal sa taumbayan. May higing na hihirangin siya ng Pangulo sa Gabinete nito. Kaya ito umanong banta ni Misuari ay ginagawa na naman daw krisis tulad ng krisis sa bigas at tubig para matupad ang nilalayon ng administra­syon.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines