Balita

Next movie ng Al Empoy, sa Paris ang shoot

- Remy Umerez

MAYROON tayong kasabihang, “kapag may tiyaga, may nilaga” or “nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa”.

Isang magandang halimbawa nito ay ang komedyante­ng si Empoy Marquez na nagsumikap para marating ang kinaroroon­an niya ngayon.

Pagpapatun­ay na kanyang inang si Aling Cecilia, “Napakabait ng anak kong iyan. Nagtinda siya ng mga kakanin, yema, mani noong kabataan niya at hindi niya ito ikinahiya. Madasalin din si Empoy and he always say grace bago kumain. Hindi siya maramot na bata. Matulungin sa mga kaibigang nangangail­angan. Salamat sa Diyos at binigyan niya ako ng isang mabuti at mapagmahal na anak.”

Open secret ang mga hirap na dinanas ni Empoy bago nakamit ang tagumpay. Todong ngumiti ang kapalaran sa kanya nang maging blockbuste­r hit ang pelikula nila ni Alessandra de Rossi na Kita Kita. Sa kabila ng tagumpay ay nanatiling very humble si Empoy.

The fruits of his labor ay makikita sa Baliwag Bulacan sa itinayo niyang Throwback 90s Café and Resto. Sa second floor ay naka-display ang mga collection ng maraming bagay na uso noong dekada ‘90 na inipon ng komedyante.

Isa sa mga pumasyal dito ay si Alessadra at ang staff ng Magandang Buhay.

“Im happy for him and I wish him luck sa negosyong kanyang itinayo. Dapat siyang tularan ng mga young stars who are big earners. Ang pag-aartista ay hindi permanente. Alam ito ni Empoy at kanyang pinaghanda­an.”

May planong muling pagtambali­n sina Alessadra at Empoy sa isang proyekto na may titulong Walang Ka Paris.

Sosyal dahil sa Paris ang location.

 ??  ?? Alessandra at Empoy
Alessandra at Empoy

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines