Balita

Gretchen kay Claudine: Siya lang ang kapatid ko na ‘di ako ginamit

- Claudine Ni ADOR V. SALUTA

KUNG taos-puso ang pakikipagb­ati ni Gretchen Barretto sa kapatid na si Claudine Barretto, sinabi naman niyang “never” siyang makikipaga­yos sa isa pang kapatid na si Marjorie Barretto para na rin sa kanyang “mental health, peace and my finances”.

Sa interview nina Ogie Diaz at MJ Felipe sa DZMM kay Gretchen kamakailan, sinabi ng 49-anyos na aktres na wala siyang planong makipag-ayos kay Marjorie.

“May kasabihan nga, ‘Never say never,’ but as far as Marjorie is concerned, allow me to say ‘never’,” sabi ni Gretchen.

“Simply because I value my life, I value my mental health, I value my peace, and my finances.

“I am not ready and I don’t think I will ever be ready with Marjorie.”

Ayon kay Gretchen, naging “toxic” na raw ang nakababata­ng kapatid para sa kanya.

“She has become so toxic in my life na I would not stop loving her, but I also love myself, I also love my family. So let me stop there.”

Matapos maisapubli­ko kamakailan ang pag-aayos nina Gretchen at Claudine, marami sa kanilang followers ang naghahanga­d na magkaayos na rin sina Gretchen at Marjorie, pati na rin ang kanilang buong pamilya.

Subalit may hiling si Gretchen sa kanyang mga tagahanga tungkol dito.

“Kasi alam ko, maraming mga nagko-comment sa akin, Ogie, na sinasabi nila ngayon na, ‘Okey na kayo ni Claudine’. Parang ang sinasabi nila, ang wish nila, sana maging okey na kaming buong pamilya.

“Huwag ho ninyo idasal ‘yon, kasi ‘pag dinasal n’yo ‘yun, hindi ko po kaya. Mentally, emotionall­y hindi ko po kaya. Right now, I am happy where I am, I am happy with Claudine, I am happy with my children and that’s all I want.

“I cannot be crucified for the life that I live,” mariing sabi ni Gretchen.

Gayunman, nilinaw ni Gretchen na hindi niya tuluyang tinatapos ang relasyon niya kay Marjorie.

“Hindi sa tinatapos. It’s just that alam mo, may kasabihan, responsibi­lidad natin ang sarili nating mental health, emotional health, ‘yung state natin, what we feel. I feel like I am most at peace without Marjorie, and without the rest of the ones that you’re mentioning.

“I am okay, I feel this certain sense of freedom that I can be okay with myself without being blamed for the kind of life that I need, the life that I enjoy.

“I don’t want to live a life na people—the people I supposedly love—will keep on judging me na ‘Tingnan mo ‘yan, ganito ang mga kotse, ito ang mga bahay, ito ang mga ginagamit, ‘tapos kami, ganito’.

“I cannot be crucified for the life that I live and for the things that I have… So, bakit ako sasama sa mga tao who’ll always feel like they need to own what I own?”

Sinabi rin ni Gretchen na mas maluwag sa pakiramdam na hindi niya nakakasama ang ilang miyembro ng kanyang pamilya.

“For the past few years, I have found refuge and comfort and a lot of love and I feel so great with the people I’m with, and they are not blood-related at all. They don’t need my money, they don’t need anything from me, just me, because okey lang kami.

“Ayoko noong pinapanood parati ‘yung ginagawa ko at kung anong meron ako at kung anong puwedeng makuha sa akin, parang I’ll never feel safe, I want to feel safe.”

Taong 2014 nang unang magkaroon ng espekulasy­on na may alitan sina Gretchen at Marjorie at kinumpirma ito ng una noong Pebrero 2015.

Pero sa Instagram Live nitong Marso 21 nina Gretchen at Claudine, nagkaroon pa ng mga rebelasyon nang mag-react si Gretchen sa isiniwalat ng panganay ni Marjorie, si Dani Barretto, na hindi ito in good terms sa amang si Kier Legaspi. Pinalagan din ni Gretchen ang sinabi ng pamangkin na mag-isa itong itinaguyod ni Marjorie.

Sinabi ni Gretchen na si Marjorie ang humahadlan­g kay Kier para magkalapit ang loob ng mag-ama.

Ipinaalala rin niya na sa bahay niya sa Blue Ridge Village sa Quezon City tumira si Marjorie noong ipinagbubu­ntis nito si Dani, at si Gretchen din umano ang tumulong sa iba pang pinansiyal na pangangail­angan sa pagpapalak­i kay Dani noon.

‘Tila dedma naman si Marjorie sa mga naging pahayag ni Gretchen.

Taliwas dito, binigyang-diin ni Gretchen na hindi umaasa si Claudine sa kanya pagdating sa mga materyal na bagay, at nahihiya pa nga raw siya kapag binibigyan siya ng regalo ng kapatid.

“Siya lang ang kapatid ko na hindi ako kinailanga­n, na hindi niya ako ginamit,” sabi niya sa IG Live.

Sa interview naman sa DZMM, sinabi ni Gretchen na walang tigil si Claudine sa pagbibigay ng regalo sa kanya.

“Eh si Claudine, she doesn’t need anything. ‘Pag binigyan ko siya ng a little something, my God, wala nang tigil ang pagkakareg­alo sa kanya.

“I told her, ‘Alam mo, babe,’—I call Claudine babe—’Babe, you know, I’m not used to gifts that you shower me, ikaw lang ang nagbibigay sa akin,’ of course, aside from Dad (partner niyang si Tonyboy Cojuangco),

ha, who gives me everything, and Dominique (anak niya).

“Pero sabi ko, ibang tao kasi, they give me token-token, pero Claudine showers me with everything that I like and I love. Nahihiya ako, parang natutunaw ako kapag nireregalu­han ako ng gamit.

“Right now I just feel Claudine and I are so in sync, and I’m just so happy. Right now, Claudine and I are going through the honeymoon stage, parang kami lang dalawa and I love it.”

Kinumusta rin ni Ogie ang relasyon ni Gretchen sa kanyang mga magulang na sina Estrella “Inday” Barretto at Miguel Barretto.

“I believe I spoke enough and a lot a few years back about my relationsh­ip with them. Right now, I feel like we have been quiet, they have kept quiet and as a sign of respect, I’d like to give them peace and I want my peace as well, let’s leave it like that,” sabi ni Gretchen.

 ??  ?? Gretchen
Gretchen

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines