Balita

R. Kelly, walang concert sa Dubai—officials

-

HINDI mapahihint­ulutan ang hiling ni R. Kelly na pumunta sa United Arab Emirates para magtanghal dahil iginiit ng mga opisyal ng gobyerno sa Dubai na wala naman itong nai-book na show sa bansa.

Humihingi ng permiso ang I Believe I Can Fly hitmaker, na nahaharap sa 10 bilang ng criminal sexual abuse, sa korte nitong nakaraang linggo, para magpunta sa Illinois dahil may concert daw siya sa Dubai, na nakatakdan­g idaos sa April, ayon sa ulat ng Cover Media.

Ginanap ang pagdinig hinggil sa paksa nitong Biyernes, ngunit hindi pa naipapataw ang desisyon, kasabay ng petisyon ng abogado ni Kelly, si Steve Greenberg, na bigyan pa sila ng mas mahabang oras para makakalap ng ebidensiya para payagang makalipad patungong Dubai si Kelly.

Gayunman, nabigla ang mga kinatawan ng gobyerno ng Dubai dahil wala umanong pre-booked gig si Kelly sa naturang bansa. Na-isyu rin iyo ng pahayag nitong Linggo tungkol sa paksa.

“Authoritie­s in Dubai have not received any request for a performanc­e by singer R. Kelly nor are there any venues that have been booked,” pagdedekla­ra ng mga opisyal. Itinanggi rin ng mga opisyal ang pahayag ni Greenberg na nakatakdan­g makipagkit­a si Kelly sa ruling Al Maktoum family sa naturang trip, “(Kelly) has not been invited by the Dubai royal family for a performanc­e.” Sumagot din si Greenberg sa Dubai Media Office release.

Sa pahayag na inisyu niya sa The Associated Press, aniya, “Mr. Kelly had a signed contract with a legitimate promoter, and any informatio­n that was included in the motion to travel was from that contract.

“We did not say he was invited by the royal family, but the contract did provide that he would make himself available to meet with them.”

Isinuko ni Kelly, na umapelang not guilty sa lahat ng mga alegasyon, ang kanyang passport bilang bahagi ng kanyang bail condition matapos maaresto noong February ngayong taon.

Dati nang iginiit ni Greenberg na kailangang maglakbay ni Kelly para kumita ng pera para mabayaran ang utang niya sa child support.

 ??  ?? R. Kelly
R. Kelly

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines