Balita

Bee sanctuary ni Morgan Freeman, sikat

-

MULI na namang pinuri ng netizens ang Oscarwinni­ng actor na si Morgan Freeman , ngunit this time ay wala itong kinalaman sa on-screen performanc­e niya.

Ayon sa Yahoo Celebrity, pinupuri ang Shawshank Redemption actor sa social media para sa kanyang naging desisyon ilang taon na ang nakalipas nang gawin niyang bee sanctuary ang 124acre ranch niya sa Mississipp­i, para sa environmen­tal reasons.

Ibinahagi ni Morgan ang naturang desisyon niya nang lumabas siya sa The Tonight Show Starring Jimmy Fallon noong 2014, at ang kanyang mga naging komento noon ang trending ngayon.

“There’s a concerted effort to bring bees back onto the planet. We do not realize that they are the foundation, I think, of the growth of the planet, the vegetation,” sabi ni Morgan. Ipinaliwan­ag ng 81-anyos na Driving Miss Daisy star na bumili siya ng 26 beehives sa Arkansas at nagtanim siya ng mga halaman na magugustuh­an ng mga bubuyog, gaya ng lavender at magnolia trees. Aniya pa, pinapakain niya ang mga ito ng sugar water, at kailanman ay hindi siya nagsuot ng special suit o sombrero para protektaha­n ang sarili mula sa mga bubuyog, at hindi pa siya nakakagat ng mga ito.

“They haven’t [stung me] yet, because right now I’m not trying to harvest honey or anything,” sabi ni Morgan nang mga panahaong iyon. “I’m just feeding them… I think they understand, ‘Hey, don’t bother this guy, he’s got sugar water here.’”

 ??  ?? Morgan
Morgan

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines