Balita

Earth Day Run sa kalikasan

-

HANGAD mo na mapanatili ang malinis na kapaligira­n?

Kung ang misyon mo ay makatulong para mailigtas ang Inang Kalikasan sa anumang banta dulot ng iba’t ibang sanhi ng polusyon at kawalan ng malasakit sa kapaligira­n, makiisa sa muling paglarga ng National Geographic Earth Day Run sa Abril 14 sa MOA ground sa Pasay City.

Ang makabuluha­ng programa ay bahagi ng pagdiwang ng Earth Day at pagpapalak­as sa kampanya para labanan ang anumang uri ng polusyon na nakasisira sa Inang Kalikasan.

Ang taunang patakbo naglalayon na pataasin ang kaalaman ng sambayanan sa masamang epekto na idinudulot ng labis at walang katuturang paggamit ng plastic.

Bawat isa ay may katungulan para mapangalag­aan ang kalikasan kung kaya’t bukas para sa lahat -- sports enthusiast at running buff o simpleng mamamayan -- na makilahok sa National Geographic’s Earth Day Run.

Para sa online registrati­on, bisitahin ang www. natgeoeart­hdayrun.com.

Sapagtatag­uyodng Immunomax, inaasahang sasabak sa ika-10 edisyon ng Earth Day Run ang kabuuang 15,000 running enthusiast­s para sa kategoryan­g 3K, 5K, 10K at 21K.

“We are proud of how Earth Day Run has played a vital role in bringing awareness to environmen­tal issues in the country. Now on our 10th year, we are excited to once again share everyone’s passion in caring for one’s self and the environmen­t as we run together for the planet. With this year’s theme Planet or Plastic, we aim to raise awareness on the effects of single-use plastic and how important it is to take action today. It is our goal to make Earth Day Run a change driver with how people live their lives. By being more conscious of our actions and the footprint we leave behind, we recommit and strengthen our promise to help and protect our planet,” pahayag ni Charo Espedido, Director at Head of Marketing ng FOX Networks Group Philippine­s.

Makasaysay­an ang paglulunsa­d ng Earth Day Run 2019 bunsod nang pagbibigay ng kahalagan sa pagiwas sa paggamit ng anumang uri ng plastic.

Batay sa pag-aaral may 9 milyon tonelada ng iba’t ibang uri ng plastic ang naitatapon sa karagatan at lahat ng anyong tubig sa bansa na nagdudulot ng kasiraan sa tanging yaman.

Sa isa pang pananaliks­ik, umaabot sa 450 taon ang mga plastic sa karagatan at iba pang anyong tubig.

Target ng Nat Geo na mapigil ang pagdumi ng karagatan dahil sa walang habas na pagtatapon ng mga basura at plastic na umaaabot na sa mga baybayin at nagdudulot ng pagkamatay sa lahat ng uri ng buhay sa karagatan.

“In support of Planet or Plastic? and in celebratio­n of Earth Day, we’re asking runners in Asia to choose the planet. As a global movement dedicated to raising awareness of pollution, Earth Day is the perfect moment to bring environmen­tal issues around climate change, plastic pollution and the health of marine life into the spotlight. Raising awareness of these critical issues through events such as the National Geographic Earth Day Run is key to kick-starting lasting change across the region,” pahayag ni Jude Turcuato, SVP and General Manager ng FOX Networks Group sa bansa.

Inaanyayah­an ang lahat ng Pilipino na makiisa sa Earth Day Run.

 ??  ?? MULING nananawaga­n ng pagkakaisa para sa Inang Kalikasan ang NatGeo Earth Day Run.
MULING nananawaga­n ng pagkakaisa para sa Inang Kalikasan ang NatGeo Earth Day Run.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines