Balita

Racasa, sasabak sa Sri Lanka

-

TARGET na makapaguwi ng karangalan ni Philippine­s’ youngest Woman Fide Master Antonella Berthe “Tonelle” Murillo Racasa sa pagsabak sa Asian Youth Chess Championsh­ips sa Abril 1-10 sa Kaluthara, Sri Lanka.

Sasamahan siya ng kanyang ama at coach na si Roberto Racasa na isang Internatio­nal Memory Sports champion.

Nagkampeon si Racasa sa 19th ASEAN Internatio­nal Age Group Chess Championsh­ip na ginanap nitong Hunyo sa Davao City. Nakopo niya ang gold medal sa standard competitio­n kasama na rin sa pagsikwat ng WFM title.

Ito ang nagbigay daan kay Tonelle para tanghaling WFM sa edad na 11.

Nagkampeon din siya sa 18th ASEAN Internatio­nal Age Group Chess Championsh­ip na ginanap sa Kuantan, Malaysia noong 2017 tungo sa pagkamit ng Asean Chess Master title sa edad na 10 at sa National Age Group Girls Under 10 Champion sa Cebu City sa edad na 9.

Sariwa pa si Tonelle sa pagdomina ng fifth Internatio­nal School Manila Chess Cup nitong Sabado sa Internatio­nal School Manila sa Taguig City. Nakalikom siya ng anim na puntos para pangunahan ang Home School Global Chess Team A sa pagsungkit ng over-all team championsh­ip. Ang iba pang miyembro ng Home School Global chess team ay sina Andrew James Toledo ( 5 points), Ethan Jackenzie Ang (4.5 points) at Ernest Jacoby Ang (4 points).

Naiuwi ng Home School Global chess team ang championsh­ips’ trophy sa pagkamada ng 19.5 puntos, 2.5 puntos ang bentahe sa pinakamala­pit na karibal.

 ??  ?? RACASA: Pinakabata­ng Pinay WGM.
RACASA: Pinakabata­ng Pinay WGM.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines