Balita

Tan-Rodriguez, kampeon sa Santa Fe Open

-

V SANTA FE, Bantayan Island, Cebu – Nadomina nina Bea Tan at Dij Rodriguez ang kambal na sina Roma Joy at Roma Mae Doromal ng NU-Boysen, 21-18, 21-16, par pagbidahan ang Beach Volleyball Republic On Tour Santa Fe Open nitong weekend.

Nakumpleto ng tambalan nina Tan at Rodriguez ang dominasyon sa naturang serye para makamit ang ikalawang kampeonato sa Tour.

Naisalba nina Tan at Rodriguez ang matikas na hamon nina May Ann Pantino at Jozza Cabalza ng Air Force 1, 14-21, 21-18, 15-12,sa semifinal, habang nanaig ang Doromal sisters kina Bianca Lizares at Margie Señas, 24-22, 21-19, ng Bacolod City.

Nakopo nina Pantino at Cabalza ang ikatlong puwesto nang magwagi kina Lizares at Señas, 21-15, 21-13.

Sa men’s division, nakopo nina Ranran Abdilla at Jessie Lopez ng Air Force-AboitizLan­d’s ang trono nang maigupo ang tambalan nina Harold Parcia at Neil Depedro ng University of St. La Salle-Bacolod, 11-21, 21-16, 15-13.

Nakamit din nina Abdilla at Lopez, miyembro ng Team Philippine­s na isasabak sa 30th Southeast Asian Games, ang December Open sa Manila sa nakalipas nabuwan at Puerto Galera may dalawang linggo na ang nakalilipa­s.

Naisaayos ang championsh­ip match nang magwagi sina Parcia at Depedro kontra James Buytrago at Pol Salvador ng NU-Boysen1, 2118, 15-21, 15-9; habang nanaig sina Abdilla at Lopez kina Jade Becaldo at Kevin Juban ng Visayas1, 35-33, 21-17.

Nakamit nina Buytrago at Salvador ang runner-up nang magwagi kina Becaldo at Juban, 21-18, 21-19.

Nagsagawa rin ang BVR ng Sandroots clinic, sa pangunguna nina coach Jason Gabales at Grace Antigua, sa pakikipagt­ulungan ng Cebu Provincial Sports Commission.

 ??  ?? NANGIBABAW ang kayumihan at galing ng tambalan nina Bea Tan at Dij Rodriguez ng Perlas sa Beach Volleyball Republic On Tour Santa Fe Open nitong weekend.
NANGIBABAW ang kayumihan at galing ng tambalan nina Bea Tan at Dij Rodriguez ng Perlas sa Beach Volleyball Republic On Tour Santa Fe Open nitong weekend.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines