Balita

NU Bullpups, bida sa NBTC National

- Marivic Awitan

PINATUNAYA­N ng Nazareth School of National University ang katatagan ng eskwelahan sa high school basketball nang pabagsakin ang La Salle Greenhills, 95-83, sa Chooks-to-Go NBTC League National Finals nitong Linggo sa MOA Arena sa Pasay City.

Pinangunah­an ang Bullpups ng UAAP championsh­ip-winning core nina Carl Tamayo, Terrence Fortea, at Gerry Abadiano sa pagangkin ng basketball national championsh­ip for high school sa ikalawang sunod na season.

“Everything na achieve namin, sobrang saya kami,” pahayag ni NU coach Goldwin Monteverde. “Every tournament naman, we really prepare kaya masaya kami for this.”

Pinapuriha­n ni Monteverde ang ipinakitan­g total team effort ng Bullpups na may limang manlalaron­g tumapos na may double-digits sa pamumuno ni Tamayo na umiskor ng 24puntos at 18-rebounds na naging susi para mahirang siya na Finals MVP.

“Both teams, maganda yung program, pero ang basketball, ganun talaga. Sometimes, yung breaks ng game, pag napunta sayo, ganun mangyayari,” ayon pa kay Monteverde. “Pero both teams talaga, para sa akin, ang ganda ng takbo ng program.”

Hindi naging hadlang ang naging ejection ng team captain na si Abadiano sa laro upang muling magwagi ang NU na namayani rin kontra LSGH noong nakaraang taong finals, 80-78.

Ang Bullpups ang unang koponan sa 12 taong kasaysayan ng torneo na nag-uwi ng dalawang sunod na titulo.

Nanguna naman sa Greenies si Inand Fornilos na may 20 puntos, 12 rebounds, at 3 blocks kasunod si Joshua David na may 17 puntos, 6 boards, at 2 assists.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines