Balita

Gen. Trias, nangibabaw sa Manila sa CBA

-

NANAIG ang General Trias sa Manila, 106-100, sa overtime sa laban ng walang gurlis na koponan sa 2019 Community Basketball Associatio­n (CBA) Pilipinas Founders Cup nitong weekend sa San Andres Sports Complex sa Malate.

Ratsada ang Braves sa 9-1 run, tampok ang three-pointer nina Jeff Tajonera, Justice Laureno at Jonathan Rivera sa krusyal na sandali ng extra period para ungusan ang Sausage Kings at makamit ang ikaapat na sunod na panalo sa South division.

Nabasag ng tatlong sunod na three-pointer ang dikit na pakikimaho­k ng Sausage Kings para mailayo ang bentahe sa 97-89.

Huling nakadikit ang Manila sa 96-101 mula sa layup ni Wowie Rescosio may dalawang minuto ang nalalabi, ngunit nakahirit si Chester Ian Melencio nang magkasunod na jumper para masiguro ang panalo, 105-95.

Tumapos si Rivera na may 21 puntos at 13 rebounds, habang kumana si Melencio ng 19 puntis, walong rebounds at anim na assists at kumasa si Laureno ng 15 puntos at pitong rebounds para sa Braves.

Nanguna si Wowie Escosio sa Sausage Kings’ na may 26 puntos at walong rebounds, at tumipa si EJ Canelas ng 17 puntos at limang boards para sa Manila (3-1).

Nauna rito, ginapi ng Binangonan Slashers ang Rizal Leadlink, 87-83, para sa ikatlong panalo sa limang laro.

Kumubra si Ivan Cuyong ng 25 puntis at pitong rebounds para sa Slashers.

Iskor: (Unang Laro)

Binangonan (87) - Cuyong 25, Oduca 16, Agulto 15, Abugan 10, Tumalon 9, Alade 5, Mercado 4, Laostales 2, Picones 1, Valle 0, Dionisio 0.

Rizal (83) - Mag-isa 20, Rivera 16, Brojan 11, Villoria 9, P. Lucas III 9, J. Lucas 6, Dela Rea 5, Estrella 5, Ilac 2, Manuel 0, Bultron 0, Briones 0

Quartersco­res: 13-22, 31-44, 6461, 87-83.

(Ikalawang Laro)

General Trias (106) - Rivera 21, Melencio 19, Laureno 15, Gonzales 12, Delos Santos 8, Tajonera 7, Evangelist­a 6, Dejito 3, Rivas 3, Escobal 2.

Manila (100) - Escosio 26, Canelas 17, Orquina 12, Dionson 7, Ballon 7, Yu 6, Dela Cruz 6, Acibar 6, Mendoza 6, Aspiras 3, Valencia 1.

Quartersco­res: 22-18, 48-45, 6463, 88-88, 106-100.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines