Balita

Ateneo netters, wagi sa NU Bulldogs

- Marivic Awitan

IPINALASAP ng Ateneo de Manila ang unang pagkatalo sa National University sa men’s division ng UAAP Season 81 lawn tennis tournament sa pamamagita­n ng 4-1 paggapi sa Bulldogs sa Colegio de San Agustin courts sa San Jose Del Monte City sa Bulacan.

Naging konsolasyo­n nalamang para sa Bulldogs sa kabila ng natamong kabiguan ang pananatili nila sa pangingiba­baw hawak ang barahang 9-1.

Dahil sa panalo, ang pang-anim na sunod ng Ateneo, umangat sila sa markang 8-2.

Nasa likuran naman nila at pumapangat­lo ang University of Santo Tomas na tumaas sa kartadang 7-3 matapos magposte ng 4-1 panalo kontra Adamson University.

Sa isa pang laban, inungusan ng University of the Philippine­s,3-2 ang De La Salle para makatabla sa defending champion University of the East sa patas na barahang 5-5.

Samantala sa kababaihan, pormal namang umusad ang Lady Archers sa Finals matapos ang 4-1 paggapi sa UST Tigresses.

Dahil sa panalo, natapos na rin ang limang taong paghihinta­y ng La Salle na muling makabalik ng finals.

Nasa likod ng Lady Archers (6-1) ang Lady Eagles na sumalo sa Lady Bulldogs sa markang 4-3 matapos ang 3-2 panalo kontra Lady Maroons.

Natapos naman ang pagiging reigning champion ng UST sa pagbagsak nito sa ikalimang panalo kontra 2 lamang panalo habang nagtapos naman sa kartadang 2-6 ang season ng UP.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines