Balita

‘Graduating’ senators ‘di lalayo sa pulitika

- Ni HANNAH L. TORREGOZA

Habang naghahanda ang Senado sa pagpasok ng mga bagong mambabatas sa 18th Congress, naghahanda na rin ang graduating senators sa kanilang pag-alis.

Gayunman, hindi lalayo sa public life sina Senators Loren Legarda, Francis “Chiz” Escudero, Gregorio “Gringo” Honasan, at Antonio Trillanes IV.

Si Legarda, 21 taon na naging senador, ay nahalal kamakailan bilang bagong Representa­tive ng lone district ng Antique.

“I ran for Congress to bring my two decades of Senate work to the grassroots, and make Antique a role model for sustainabl­e developmen­t for the rest of the country,” ani Legarda.

Si Sen. Francis “Chiz” Escudero, kilala bilang isa sa pinakabata­ng miyembro ng Congress sa edad na 28, ay magtatapos na rin sa 17th Congress.

Sa pagbubukas ng 18th Congress sa Hulyo, magsisilbi si Escudero bilang bagong gobernador ng Sorsogon, ang kanyang home province.

Si Honasan ay magbabalik sa kanyang pribadong buhay. Gayunman, sinabi niyang bukas siya sa anumang puwesto sa Cabinet sakaling alukin ng administra­syong Duterte.

Dati nang pinili ni Pangulong Rodrigo Duterte si Honasan bilang susunod na kalihim ng Department of Informatio­n and Communicat­ions Technology (DICT), ngunit hindi natuloy ang kanyang kumpirmasy­on.

Sinabi ni Senate President Vicente Sotto III na may posibilida­d na itatalaga si Honasan sa ibang puwesto.

Sinabi naman ni Trillanes na kahit tapos na ang kanyang termino sa Senado ay magpapatul­oy ang kanyang pagbatikos sa Pangulo at sa mga polisiya nito, at nangakong patuloy na ipaglalaba­n ang katotohana­n.

Pinag-iisipan din ng dating sundalo na magturo sa akademya.

Ang iba pang senador na magtatapos ang Senate stint ay sina Joseph Victor “JV” Ejercito at Paolo “Bam” Aquino IV.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines