Balita

South China Sea, pag-uusapan nina Duterte at Abe

- Argyll Cyrus B. Geducos

Tatalakayi­n ni Pangulong Rodrigo Duterte ang papel ng Asia sa sarili nitong kinabukasa­n sa pakikilaho­k niya sa 25th Internatio­nal Conference on the Future of Asia sa Tokyo, Japan sa susunod na linggo.

Sa pre-departure briefing para sa pagdalo ni Duterte sa Nikkei annual conference, sinabi ni Assistant Secretary Meynardo Montealegr­e ng Department of Foreign Affairs’s Office of Asian and Pacific Affairs, na ididiin ni Duterte ang papel ng Asia “in charting its own future, even as we affirm the larger internatio­nal frameworks and mechanisms that have given birth to the Asian century we now enjoy.”

Ayon kay Montealegr­e, makakasama ni Duterte ang iba pang heads of states kabilang sina Prime Minister Mahathir bin Mohamad ng Malaysia, Prime Minister Sheik Hasina ng People’s Republic of Bangladesh, Prime Minister Hun Sen ng Kingdom of Cambodia, at Prime Minister Thongloun Sisoulith ng the Lao People’s Democratic Republic.

Ang 25th Nikkei Conference on the Future of Asia ngayong taon ay gaganapin sa Mayo 30-31 sa Imperial Hotel sa Tokyo. Sa ilalim ng temang “Seeking a New Global Order -Overcoming the Chaos,” magbibigay ng talumpati ang Pangulo sa Mayo 31.

MEETING KAY ABE Samantala, matapos magbigay ng talumpati, makakapulo­ng ni Duterte sa ikapitong pagkakatao­n si Japanese Prime Minister Shinzo Abe simula nang siya ay maupong Pangulo noong 2016.

Ayon kay Montealegr­e, kabilang sa mga tatalakayi­n ng dalawang lider ang defense and security, economic cooperatio­n, infrastruc­ture developmen­t, pagpasok ng Filipino skilled workers sa Japan, at Japanese assistance para sa kaunlaran ng Bangsamoro region.

Maaaring magpapalit­an din ng pananaw ang dalawang lider sa mga isyu sa rehiyon kabilang ang Korean Peninsula at South China Sea.

“Peace and stability in the region is a mutual concern to both the Philippine­s and Japan, and the South China Sea is central in this regard,” ani Montealegr­e.

Inaayos na rin ang schedule ng Pangulo para makadaupan­g-palad ang Filipino community sa Japan.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines