Balita

‘End Endo’ bill pinupuri, pinagdudud­ahan

- Erma R. Edera at Bella Gamotea

Pinuri ng labor group na Trade Union Congress of the Philippine­s (TUCP) ang pagpasa ng Security of Tenure bill dahil maghahatid umano ito ng pag-asa sa milyun-milyong manggagawa­ng nasa ilalim ng contractua­l scheme.

Nitong Miyerkules, inaprubaha­n ng Senado sa ikatlo at pinal na pagbasa ang panukalang batas na naglalayon­g burahin ang practice ng “endo” o “end of contract” ng employers at igarantiya ang security of tenure ng mga manggagawa.

“The bill will incentiviz­e workers to higher labor productivi­ty by regularizi­ng huge numbers of them. It will cut down production costs by doing away with ‘labor-only’ or ‘cabo’ contractor­s whose financial services charges add 15% to the labor costs of employers utilizing such agencies,” sinabi ni TUCP president Raymond Mendoza.

Sa isang pahayag, sinabi ng TUCP na sa pagpasa sa panukala ay magsisimul­a ang proseso ng tuluyang pagwawakas sa contractua­lization.

Ngunit para sa Bukluran ng Manggagawa­ng Pilipino (BMP), adelantado kundi man tahasang pagkakamal­i ang magdiwang sa pagpasa ng “End Endo” bill sa Senado.

Ayon kay BMP leader Ka Leody de Guzman, ang panukala ay taliwas sa kahilingan ng mga manggagawa na ipagbawal ang mga trilateral work arrangemen­t, na siyang batayan ng kontra-manggagawa­ng plano ng kontraktuw­alisasyon.

Sinabi pa ni De Guzman na totoong ang panukala ng Senado ay nagnanais ng istriktong regulasyon ng job contractin­g ngunit tadtad ito ng mga butas.

”Maaring naglagay nga ito ng mas mabigat na parusa sa mga lumalabag ng mga kapitalist­a. Ngunit dahil kung pinanatili nitong legal ang iskema para gawing mura at maamo ang mga manggagawa, tila na ring ginawa nitong inosente ang lahat ng prinsipal na employer at mga kontratist­a ng mga trilateral work arrangemen­ts,” giit ng BMP leader.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines