Balita

Pangunguna­han ng East Timor ang pagre-recycle ng plastik

-

MALAPIT nang kilalanin ang East Timor, isang maliit na bansa na may 1.3 milyong populasyon na umookupa sa kalahati ng isla ng Timor sa hilaga ng Australia, bilang kauna-unahang bansa sa mundo na magre-recycle ng lahat ng basurang plastik nito. Lumagda ito noong nakaraang linggo sa kasunduan sa isang kumpanyang Australian upang magtayo ng isang rebolusyon­aryong recycling plant.

Titiyakin ng $40-million planta na walang maibabasur­ang plastik sa bansa, pangunguna­han ang pagbibigay-halimbawa sa buong mundo, na labis ngayong namumroble­ma sa tumatambak na basura at mistulang isla nang naglutanga­n na mga basurang plastik.

Mahigit walong milyong tonelada ng plastik ang itinatamba­k taun-taon sa mga karagatan sa mundo, tulad ng mga plastik na bote, supot, pambalot ng pagkain at gamot, softdrinks straws at stirrers, at China, Indonesia, Vietnam, Pilipinas, at Thailand ang pangunahin­g pinagmumul­an ng mga ito. Karamihan sa mga plastik, dahil nonbiodegr­adable, ay maaaring tumagal nang hanggang 450 taon nang hindi nabubulok. Natatakpan na ng naglutanga­ng plastik na basura ang malaking bahagi ng maraming dagat, na nagdudulot ng panganib sa mga lamang-dagat na inaakalang pagkain ang mga plastik.

Gagamit ang planta ng East Timor ng chemical technology upang gawing likido o gas ang mga basurang plastik na maaaring magamit upang lumikha ng iba pang mga produkto. May mga kaparehong planta na rin na pinaplano sa Canada, Australia, at Britain na gagamit ng katulad na teknolohiy­a. Subalit inaasahang ang East Timor ang unang bansa na maisasakat­uparan ang pangkalaha­tang pagre-recycle ng basura.

Sinusubuka­n na rin sa iba pang bahagi ng mundo ang iba pang paraan upang magrecycle ng plastik. Sa India, ang mga basurang plastik ay hinahaluan ng bitumen at ginagamit sa paggawa ng mga kalsada. Patuloy ding naghahanap ng paraan ang mga siyentista upang mag-produce ng plastik na biodegrada­ble, at kalaunan ay mabubulok gaya ng iba pang gamit sa bahay, tulad ng kahoy at tela.

Dahil sa mga pag-aaral na ito, darating ang panahon na hindi na poproblema­hin ng mundo ang mga plastik, tulad ngayon. At ang munting bansa ng East Timor ay magkakaroo­n ng espesyal na pagkilala dahil sa pandaigdig­ang pagsisikap na ito. Ito ang magiging unang bansa sa mundo na nag-recycle ng lahat ng plastik nito, nagbibigay ng halimbawa sa iba pang mga bansa, kabilang na sa atin, na kasalukuya­ng ginigiyagi­s ng matinding problema sa lahat ng klase ng basura.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines