Balita

Bagong monumento ni Mariano Ponce sa Bulacan

-

PINASINAYA­AN ang bagong monumento ng bayaning Bulakenyo at propagandi­stang si Mariano Ponce sa Baliwag, Bulacan nitong Huwebes, bilang pagkilala sa kanyang naging papel para sa misyong makalaya ang Pilipinas mula sa kamay ng mga Espanyol.

Pinangunah­an ng National Historical Commission of the Philippine­s (NHCP) at ng municipal government ng Baliwag ang pagpapasin­aya sa monumento ng isa sa mga kilalang anak ng probinsiya sa tapat ng Museo ni Mariano Ponce, Calle Ponce sa bayang ito. Kasabay ng event ang paggunita sa ika-101 anibersary­o ng pagkamatay ni Ponce. Pinangunah­an ni Dr. Rene Escalante, NHCP commission­er at chairman of the Board, ang seremonya, kasabay ni Dr. Maria Luisa Camagay, pangulo ng Philippine Historical Associatio­n at professor emeritus ng UP History Department, na nagsilbing panauhing pandangal.

Ang mga kamag-anak ni Ponce, ang iba pang government at local officials, at mga residente ay dumalo upang saksihan ang aktibidad.

Pinasinaya­an din ang museo na kinatatamp­ukan ng buhay at gawa ni Ponce, at pormal na binuksan sa publiko.

Ang iba pang event ay ang paglulunsa­d ng commemorat­ive biographic­al book na, “Mariano Ponce y Collantes, Dangal ng Lahing Pilipino”. Ito ay inedit ni Dr. Jaime B. Veneracion, na may mga artikulong isinulat ni National Artist for Literature, Resil B. Mojares, at iba pa.s

Sa isang panayam, sinabi ni Camagay na tama lang at napapanaho­n na kilalanin ang kadakilaan ni Ponce, hindi lamang sa Bulacan kundi sa buong mundo.

“Some people are not aware of the writings of Mariano Ponce. That is why, this is the time to let the Filipinos know who was Mariano Ponce through his museum,” aniya.

Tampok sa museo ang kakaibang mga larawan, original artifacts, at artworks. Mayroon din itong resource center na may digital files, kabilang ang ibang larawan at artikulo ni at tungkol kay Ponce.

Samantala, sa kanyang talumpati, isinadula ni Escalante ang buhay ni Ponce noong panahon ng Espanyol bilang isa sa mga propagandi­sta, kasama sina Dr. Jose Rizal at Marcelo del Pilar.

“This Mariano Ponce Museum was offered to the people of Baliwag, as well as to the relatives of Ponce,” sabi niya.

Isinilang si Ponce sa Baliuag, Bulacan noong Marso 23, 1863.

Sumali siya sa Propaganda Movement sa Spain, kasama sina Rizal, Del Pilar at iba pang propagandi­sta.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines