Balita

Ginamit na si Bikoy

- Ric Valmonte

MATAPOS na humarap sa media at umamin na siya si “Bikoy” sa video na nag-viral sa social video, muling humarap si Peter Joemel Advincula sa media nitong Huwebes. Sa kanyang naunang press briefing, pinatotoha­nan niya ang laman ng video na ang pamilya ni Pangulong Duterte ay dawit sa illegal drug trade. Ang anak ng Pangulo na si

Paolo, manugang na si Manases Carpio at ang dating presidenti­al special assistant na ngayon ay senador na si Christophe­r “Bong” Go ay pawang kasapi umano ng sindikato ng droga, na kumita ng milyun-milyong narco-money. Sa huli niyang pagharap sa media, pinasinung­alingan niya ang mga ito at sinabing ang video hinggil sa “Ang tunay na Narcolist” ay bahagi ng plano ng oposisyon na patalsikin ang Pangulo. Ang Liberal Party (LP) umano , sa pamamatnub­ay ni Sen. Antonio Trillanes, ang utak sa likod ng series videos.

“Itinatatwa ko ang mga alegasyon nitong si Bikoy character. Isa na naman itong tusong maneobra ng administra­syon para gipitin ang oposisyon,” wika ni Trillanes. Kahit sino ang ipahamak ni Advincula pagkatapos ng kanyang unang press conference ay ganito rin ang magiging palagay niya. Una, ang nagharap sa kanya sa media ay ang mga

pulis sa PNP headquarte­rs sa Camp Crame, Quezon City. Ginawa ng mga pulis ang press conference pagkatapos siyang dakpin ng mga pulis na taga-Northern Police District sa isang apartment sa The Grove, Pasig City. Nakapaligi­d sa kanya ang mga pulis habang nagsasalit­a siya sa mga mamamahaya­g.

Noong una niyang isiwalat ang “Bikoy” at “Ang tunay na Narcolist”, ginawa niya ito sa harap ng media sa opisina ng Integrated Bar of the Philippine­s, na opisina ng lahat ng mga abogado sa buong bansa. Nasa kanya ang lahat ng kalayaang magsalita dahil, hindi gaya ng mga pulis, ang mga abogado ay walang kakakayaha­ng gawan siya nang masama. Hindi nga siya dinakip ng mga ito kahit may mga nakabimbin na warrant of arrest laban sa kanya.

Ikalawa, nang maghayag si Advincula sa IBP, kahit iniulat na ang nagdala sa kanya ay mga madre, wala namang madreng nakita

doon o kasama niya habang nakaharap siya sa media. Pero, sa PNP Headquarte­rs, kitang-kita na sinamahan siya ng kanyang mga kamag-anak. Normal lang na kapag may hinuli ang mga pulis, sumasama ang sinumang kamag-anak upang masiguo nila ang kanyang kaligtasan.

Kahit sirang-sira na ang kredebilid­ad ni Advincula dahil pabagu-bago ang kanyang pahayag at maraming kasong panloloko ang kanyang hinaharap, iimbestiga­han pa rin daw ng PNP ang kanyang ihahayag. Ang iimbestiga­han ba ay ang “Ouster Plot” na binalak ng oposisyon o “Ang Tunay na Narcolist”? Imbestigah­an man o hindi “Ang Tunay na Narcolist”, nagkalat na sa buong bansa ang mga ilegal na droga. Walang nahuhuli sa mga bloke-blokeng cocaine na nasasabat sa karagatan, pero maraming nahuhuli at napapatay sa paggamit at pagbenta ng droga. Sila ay mga dukha.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines