Balita

Music video ng ‘Breakthrou­gh’ ng GT, inaabangan

- Ador V. Saluta

MULA sa pagiging all-girl dance group ng It’s Showtime, mas pinalakas at mas palaban na ngayon ang pinagsanib-puwersa at talento na pitong miyembro ng bagong GirlTrends, na ngayon ay tatawagin nang GT, sa paglulunsa­d sa kanila bilang pop group.

Bagong look at isang debut single ang unang handog nina Mica Javier, Krissha Viaje, Chie Filomeno, Mikee Agustin, Sammie Rimando, Joana Hipolito, at Dawn Chang sa pagbabagon­g bihis ng grupo bilang recording artists at performers.

Pinamagata­ng Breakthrou­gh ang single ng grupo, na isinulat at produced ng member na si Mica, hatid ang mensahe ng women empowermen­t at pagiging positibo sa kabila ng mga dagok sa buhay. Kinunan ang sexy videos ng GT kung saan nakasuot sila ng two-piece swimwear sa isang beach sa Pangasinan.

Sa bagong GT, isa sa lead vocalists si Mica, na isa ring music producer, indie artist, at theater

and film actress. Kasama niya sa lead vocals ang family breadwinne­r na si Krissha, na una nang ipinamalas ang galing sa pagkanta nang manalo bilang isa sa representa­tives ng bansa sa global talent competitio­n sa Japan na Nodojiman the World

noong 2017.

Lead dancer naman ng grupo ang host-actress na si Dawn, na sumikat para sa dance covers niya mula nang sumali sa Pinoy Big Brother noong 2015. Game rin sa hatawan ang main dancer na si Joana, isang dating university cheerleade­r at It’s Showtime dancer.

Kilala naman si Chie sa kanyang prangka at masiglang personalid­ad, palabang social media posts, at pagiging isang profession­al racer. Produkto rin ng PBB ang makulit at masayahing si Mikee, na isa ring online sensation dahil sa kanyang song covers.

Samantala, si Sammie, 21, ang pinakabata­ng miyembro ng grupo at isa sa mga pinakakila­lang Pinoy stars sa app na TikTok.

Dapat ding abangan ng fans ang music video ng Breakthrou­gh, na nilikha ng isang all-female crew, sa pangunguna ng direktor na si Sol Garcia. Production designer si Lars Magbanua, at editors sina Mai Dionisio at Alliyah Laurente.

Kasama rin sa pagbubuo nito ang executive producer na si Dess Inocencio-Madali, associate producer na si Krstyn Mistica, segment producers na sina Reeza Garcia-Laguio at Seline Tan Ong Tan, production assistant na si Dolly Lastimada,

at stylist na si Icah Villanueva.

 ??  ?? GT
GT

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines