Balita

Palaban ang Kasilawan Taekwondo Club

-

HANDA si coach Gani Domingo na maitaas pa ang antas ng husay at galing ng mga batang taekwondo players na bumubuo ng Kasilawan Taekwondo Club ng Makati City, kasabay ang paghahanga­d na makasikwat ang mga alaga ng slots sa National team na isasabak sa 30th Southeast Asian Games sa Nobyembre.

Ayon kay Domingo, determinad­o ang kanyang mga alaga, sa pangunguna nina Kristiana Catalina Tiu, gold medalist sa Asian Taekwondo Federation at Carlos Palanca Jr. Taekwondo Championsh­ips; Justin Agno, gold medalist sa ATF at CPJ; Aldrich Vincent Paul Merin, gold medalist sa CPJ at sa Batang Pinoy; Charles Benjamin Gavan, gold medalist sa NCR meet; Victor Rodriguez, gold medalist sa NCR; at Tatiana Batalla, gold medalist sa Smart New Face; Patrick Odrada, silver medalist sa CPJ; Rafael Ongkiko, silver medalist sa ATF at NCR meet; Marco Julio Tiu, silver medalist sa CPJ; Serena Batalla, silver medalist sa WNCAA; at Diana Supangan, silver medalist sa NCR.

Handa ring sumagupa sina Lavaine Ashanty Valeroso, bronze medalist sa CPJ; Pearl Angeline Torrico, bronze medalist sa Batang Pinoy at NCR, Lex Provido, bronze medalist sa CPJ; at Kenji Uchida, bronze medalist sa CPJ na pawang nagsasakri­pisyo sa ensayo para maabot ang minimithin­g pangarap na maiatas ang kalidad ng kanilang talento.

Ikinalugod ni Domingo na nagbunga ang mahabang panahon nilang pagsasanay bunsod ng pagkakakuh­a ng scholarshi­p ng kanyang mga players sa iba’t ibang eskwelahan kabilang ang Ateneo at La Salle, gayundin ang patuloy na suporta ni dating Camarines Sur Board Member Carlos Batalla.

“Si Sir Carlos (Batalla) po ang aming ‘Godfather’ . Yung suporta po niya ay talagang naging daan para mas maging kompetitib­o ang aming mga atleta sa Kasilawan. Taospuso po an gaming pasasalama­t,” pahayag ni Domingo sa kanyang pagbisita sa ‘Usapang Sports’ ng Tabloids Organizati­on in Philippine Sports (TOPS) sa pagtataguy­od ng Philippine Sports Commission (PSC), PAGCOR, NPC, Community Basketball Associatio­n (CBA) at HG Guyabano Tea Leaf Drinks ni Mike Atayde.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines