Balita

KAWAY-KAWHI!

Toronto Raptors, umulit sa Milwaukee Bucks; abante sa 3-2

-

MILWAUKEE (AP) — Sa isang iglap, isang panalo na lang ang Toronto Raptors para sa minimithin­g NBA Finals. At kung magagawa nilang tapusin ang best-of-seven series ng Eastern Conference championsh­ipsa Game 6 maitatala nila ang tagumpay sa ‘sweep’.

Sumiglab ang opensa ni Kawhi Leonard, naglaro na may iniindang pamamaga sa kanang hita, sa naisalansa­n na 35 puntos, tampok ang limang three-pointer para sandigan ang Toronto Raptors sa 105-99 panalo kontra Milwaukee Bucks nitong Huwebes (Biyernes sa Manila) para sa 3-2 bentahe.

Nag-ambag si Fred VanVleet sa naiskor na 21 puntos, kabilang ang pitong three-pointer, habang kumana si Kyle Lowry ng 17 puntos sa Raptors na nakahakban­g na ang isang paa tungo sa kauna-unahang NBA Finals ng prangkisa.

Posibleng maganap ang pagdiriwan­g sa Air Canada Center sa panalo ng Raptors sa Sabado (Linggo sa Manila) sa Game 6. Naghihinta­y sa kanila ang two-time defending champion Golden State Warriors.

Naghabol ang Raptors sa 14 puntos na bentahe at sa pangunguna ni Leonard na kumana ng 15 puntos sa fourth quarter ay nagawang ipalasap sa top-seeded Bucks ang unang threegame losing streak sa season.

Nanguna si Giannis Antetokoun­mpo sa Milwaukee, nagwagi sa unang dalawang laro ng serye sa kanilang teritoryo, sa naiskor na 24 puntos, habang tumipa si Eric Bledsoe ng 20 puntos at nag-ambag si Malcolm Brogdon ng 18 puntos at 11 rebounds.

Abante ang Milwaukee sa 81-79 may 8 1/2 minuto ang nalalabi sa final period nang maisalpak ni Leonard ang magkasunod na 3-pointers. Naisalpak niya ang dalawang free throws kasunod ang dunk ni Siakam para makaabante sa 89-81.

Naitabla ng Bucks ang iskor sa 93-all may 2:44 ang nalalabi mula sa 3-pointer ni Lopez. Nagpalitan ng puntos ang kagkabilan­g panig, bago tuluyang nakontrol ng Raptors ang momentum.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines