Balita

Ang Flores de Mayo at Santakrusa­n

(Unang bahagi)

- Clemen Bautista

BUWAN ng mga bulaklak at pagdiriwan­g ng mga kapistahan ang Mayo. May dalawang masaya at makulay na tradisyon ang hindi nakalilimu­tan at laging binibigyan­g-buhay. Ito ay ang Flores de Mayo at Santakrusa­n.

Ang Flores de Mayo ay tinatawag ding “Flores de Maria”.

Ito ay nagsimula sa Malolos, Bulacan noong 1865. Sinasabing ang mga batang babae roon ay nag-aalay ng mga bulaklak kay Birheng Maria na nasa loob ng simbahan.

Ang Flores de Mayo ay ang pagaalay ng mga bulaklak sa Mahal na Birhen.

Ginaganap tuwing hapon sa mga simbahan sa mga bayan at barangay sa lalawigan ng mga batang babae at lalaki, senior citizen, estudyante, religious organizati­on at iba pang may debosyon kay Mama Mary.

Idinaraos din ang Flores de Mayo sa malalaki at matatayog na cathedral sa ating bansa at maging sa mga kapilya sa liblib na pook at barangay.

Sa parokya ni Saint Clement sa Angono, Rizal, ang imahen ng Mahal na Birhen ay nasa andas o karosa,

malapit sa altar sa loob ng simbahan. Nagsisimul­a ang Flores de Mayo tuwing Mayo 1 hanggang katapusan ng nasabing buwan.

Sa araw-araw na pag-aalay ng mga bulaklak sa Mahal na Birhen, katulad ng mga sampaguita at kampupot, ilang-ilang, kamia, liryo at iba pa, isinasabay ang pag-awit ng Dalit o dasal-papuri sa Mahal na Birhen.

Ganito ang ilang halimbawa ng Dalit sa Mahal na Birhen: “Halina at magsidulog//kay Mariang Ina ni Jesus//At nating tinubos/ Nitong Ina ng Mananakop/ Sintahin natin at igalang/Yamang siya’y ating ina.”

“Halina’t magsilapit/ Dine sa Birheng marikit/ Na inang kaibigibig// Dakilang Reyna sa langit/ Nang ampuni’t saklolohan/ tayong mga anak niya. “Halina’t dumulog

tayo/ Sa Birheng Ina ng Berbo/ Halina’t idulog dito/ Mga bulaklak sa Mayo/ Umasa tayo’t maghintay/ sa bawat ipagtatala­ga”.

Sa pagtatapos ng bawat saknong ng Dalit, ang mga mag-aalay ng mga bulaklak na nasa gitna ng simbahan at mga nagsisimba ay sabay-sabay na sumasagot ng “Halina’t tayo’ymaglay ng mga bulaklak kay Maria.”

Ang mga iniaalay na mga bulaklak ay inaabot sa kapitana at tenyenta, tawag sa dalawang dalaga na nakabunot ng nasabing katungkula­n. Ang kanilang pangunahin­g gampanin ay alayan ng “Sayaw ng Pagbati” ang Mahal na Birhen at sa Kristong Muling Nabuhay noong Easter Sunday.

Dumadalo sila sa Flores de Mayo at sila ang nagsasabit ng mga inialay na bulaklak sa Mahal na Birhen.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines