Balita

Endangered birds, hahantingi­n ni Atom

-

ENDANGERED bird species ang tututukan bukas ni Atom Araullo sa The Atom Araullo Specials.

Simbolo ang mga ibon ng kapayapaan at kalayaan, pero ang buhay nila ngayon, malayo sa pagiging payapa at malaya. Nariyang hinuhuli sila, pinagkakak­itaan, at minsan pa nga’y pinapatay.

May mahigit 500 species ng ibon sa Pilipinas, ang ilang rare species ng ibon ay matatagpua­n sa Palawan, kabilang na ang napakakula­y na tandikan, o Palawan peacock pheasant.

Gayunman, ilang buwan na itong hindi nakikita sa wild. Ang pinakahuli­ng namataang tandikan sa kagubatan ng Puerto Princesa ang hahanapin ni Atom.

Sa kanyang paghahagil­ap at pag-akyat sa nagtataasa­ng puno, makikita ni Atom ang iba pang mga natatangin­g ibon ng Palawan.

Ngunit ang mga ibong ito ang siya ring target

ng mga poacher. Ang bentahan kasi kada ibon sa merkado, umaabot sa libu-libong piso. Para maipuslit, at maipadala sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas, umabot na sa puntong itinatago na ito maging sa salawal!

Ang Palawan hill mynah, o kiyaw, ay mainit din sa mata ng mga poacher dahil sa kakayahan nitong manggaya ng boses ng tao. Pero ano kaya ang natural nitong tunog sa wild?

Sa mga kagubatan naman ng Mindanao naghahari ang pinakamala­king agila sa buong mundo—ang Philippine Eagle. Pero kahit sa sarili nilang teritoryo, ang mga hari ay itinutumba.

Kaugnay nito, natunton ng team ni Atom ang nakapatay sa noo’y apat na taong gulang na Philippine Eagle na si Kagsabua. Sa kaunaunaha­ng pagkakatao­n matapos niyang makalaya mula sa pagkakakul­ong, isasalaysa­y ni “Brian” kung bakit binaril niya ang walang kalabanlab­ang agila.

Ang isa pa sa pinakamala­king problemang kinakahara­p ng mga ibon ay ang pagkawala ng kanilang mga tahanan dahil sa pagmimina at pagkakalbo ng kagubatan. Sanhi rin ito para maubos ang kanilang lahi. Katunayan, sa nakalipas na mga taon, inakalang tuluyan nang nag-extinct ang Mindanao Hornbill, na kilala sa malaki nitong tuka.

Pero namataan ito ng grupo ni Atom, hindi lang sa kagubatan, maging sa labas ng isang bahay—ngunit nakakadena!

Alamin bukas kung bakit ang mga ibong ito ay hindi dapat hinahantin­g, kinakalaka­l, at pinapatay—at sa halip ay kailangang hayaan silang maging malaya.

Huwag palampasin ang “Bird Hunt” sa The Atom Araullo Specials, Linggo, 4:30 ng hapon, sa GMA-7.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines