Kendall Jenner at Ben Simmons, break na
SINGLE na ulit si Kendall Jenner, pagbabahagi ng isang source sa Entertainment Tonight.
Mayo ng nakaraang taon napabalita ang pagkaka-link ng 23-anyos na modelo sa NBA star na si Ben Simmons, ngunit isang source ang nagbahagi na “no longer a couple” na ang dalawa. Bagamat nananatili umanong maganda ang kanilang relasyon.
“Kendall and Ben are not together, but the two are on good terms,” ayon sa source.”Both Kendall and Ben are extremely busy, and for now the relationship doesn’t work for them. Kendall and Ben have taken breaks in the past and have gotten back together.”
“They are really good at knowing when the relationship works for them and when it doesn’t,” pagbabahagi pa ng source.”Kendall is looking forward to a
busy summer of working, but also spending time with her friends.”
Nitong Pebrero, kinumpirma ni Kendall ang kanyang relasyon sa 22-anyos na basketball player nang mag-guest ito sa The Ellen DeGeneres
Show. Bagamat bago pa ito aminin ni Kendall, hindi rin naman inilihim ng dalawa ang kanilang relasyon na kalimitang makikita sa palitan ng mga komento sa Instagram, at ang madalas na pagdalo ni Kendall sa NBA games ng Philadelphia 76ers point guard.
Una nang nabalita ang paghihiwalay ng dalawa noong Setyembre.
Sa isang interview sa Vogue
Australia ngayong buwan, ipinaliwanag ni Kendall ang kanyang madalang na pagbabahagi ng tungkol sa kanyang dating life.
“A relationship is only meant to be between two people, and the second you make it the world’s business is when it starts messing with the two people mentally,” aniya. “Like, once everyone is let in, you’re letting all these opinions into your relationships, and I don’t think that’s fair.”
“I’m very young and right now I feel like relationships aren’t always super-certain, and I don’t want to bring too much attention to something if you don’t really know long term [what it’s going to be],”dagdag pa niya.