Balita

Harvey Weinstein, aareglo sa halagang $44M

-

N AGKASUNDO na si Harvey

Weinstein, ang mga babaeng nag-aakusa sa kanya ng sexual misconduct, ang mga dating board members ng kanyang dating film studio, at ang New York attorney general’s office sa isang $44 million deal upang resolbahin ang mga asunto at aregluhin ang mga umano’y nabiktima ng Hollywood producer.

Ito ang iniulat kahapon ng Wall Street

Journal, batay sa salaysay ng source na pamilyar sa isyu.

Sakaling maisapinal na, reresolbah­in ng nasabing kasunduan ang civil rights lawsuit na inihain ng attorney general’s office ng New York noong nakaraang taon na nag-aakusa sa mga opisyal ng Weinstein Co. ng kabiguang protektaha­n ang mga empleyado nito mula sa pang-aabuso, at sa mismong sexual misconduct ni Harvey, iniulat ng Journal.

Ayon sa Journal, hindi makaaapekt­o ang proposed agreement sa kasong kriminal na kinahahara­p ni Harvey sa Manhattan, kung saan kinasuhan siya ng rape at iba pang sex crimes. Itinakda sa Setyembre ang paglilitis para sa nasabing kaso.

Hindi naman kaagad na nagbigay ng komento ang kinatawan ni Harvey at ng Weinstein Co. nang hingan ng pahayag sa usapin. Dati nang itinanggi ni Harvey ang mga paratang sa kanya.

Umani ng mga papuri at parangal sa pamamagita­n ng kanyang kumpanya at ng isa pang studio, ang Miramax, para sa mga pelikulang kinabibila­ngan ng Shakespear­e

in Love, Pulp Fiction, at The King’s Speech, sumadsad sa kahihiyan at kontrobers­iya si Harvey matapos na mahigit 70 babae, karamihan ay kabataang aktres at iba pa sa movie business, ang nag-akusa sa kanya ng sexual misconduct sa nakalipas na mga dekada.

Habang dumadami ang lumalantad para maglatag ng demanda laban kay Harvey, sinibak siya ng kanyang kumpanyang Weinstein Co. saka naghain ng bankruptcy, at pinatalsik naman siya sa Academy of Motion Picture Arts and Sciences.

Dahil sa kanyang mga kinakahara­p na kaso, inilunsad ang #MeToo movement, at maraming makakapang­yarihang lalaki sa larangan ng entertainm­ent, pulitika, at iba ang inakusahan ng sexual misconduct.

 ??  ?? Harvey
Harvey

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines