Balita

Bagong fashion brand ni Rihanna, collab sa LVMH

-

PARIS (Reuters) – Isinapubli­ko ng Barbadian singer na si Rihanna ang bago niyang fashion brand katuwang ang Louis Vuitton owner na LVMH, isang bibihirang hakbangin ng French group para maglunsad ng label upang makaagapay sa demand para sa celebrity collaborat­ions sa mundo ng luxury.

Ang Fenty—na apelyido ng Umbrella hitmaker na Robyn

Rihanna Fenty sa tunay na buhay—ay mamumuhuna­n sa existing joint venture ng singer sa cosmetics ng LVMH, at maglalabas din ng mga damit, sapatos, at accessorie­s.

“My fashion will be different and non-traditiona­l, because I do not come from this industry,” sinabi ni Rihanna sa news conference nitong Miyerkules, idinagdag na umaasa siyang makapagbib­igay ng “new vision of fashion”.

Iprisinta sa isang tindahan sa Marais district ng Paris, nagaalok

ang Fenty fashion ng structured lines, white o beige jackets na may malalapabd­einga balikat at blazer dresses. Nag-aalok din ang collection ng para sa mga lalaki, gaya ng malalaking denim jackets at parka coats. Dati nang nakipag-collab ang French group sa mga celebritie­s at streetwear designers, upang makaakit ng kabataang customers ang kanilang luxury goods. Ang mga presyo ay mula 600 euros (P35,132) hanggang 800 euros para sa bestidam, 500 euros para sa sandals, at 300 euros para sa costume jewelery.

Ang unang “pop-up” store nito sa Paris ay nagbukas na kahapon, habang ang website ay magiging available sa Mayo 29. Ang brand ay magiging available muna sa 14 na bansa, sa Europe at Amerika, at magbubukas naman sa Asia sa pagtatapos ng 2019.

 ??  ?? Rihanna
Rihanna

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines