Balita

BAWAL MUNA SA CANADA

Malacañang sa gov’t officials:

- Nina ARGYLL CYRUS B. GEDUCOS, BETH CAMIA, at CHARISSA M. LUCI-ATIENZA

Seryoso ang Malacañang sa paglilimit­a sa diplomatic relations sa Canada matapos maglabas si Executive Secretary Salvador Medialdea ng memorandum na pumipigil sa official trips ng mga opisyal ng pamahalaan sa Canada, at pakikipagt­ransaksiyo­n sa bansang North American.

Sa isang pahayag nitong Linggo, kinumpirma ni Presidenti­al Spokesman Salvador Panelo na naglabas si Medialdea ng memorandum, ilang araw bago ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbibiyah­e ng basura ng Canada pabalik sa nasabing bansa.

Sa memorandum, inilabas noong Mayo 20, inaatasan ang lahat ng department secretarie­s at mga pinuno ng mga ahensiya, government­owned and controlled corporatio­ns, at government financial institutio­ns na umiwas sa pagbibigay ng travel authoritie­s para sa mga opisyal na biyahe sa Canada.

Inaatasan din nito ang mga pinuno ng government agencies na bawasan ang official interactio­n sa mga kinatawan ng Canadian government.

“We maintain that these directives are consistent with our stance on the diminished diplomatic relations with Canada starting with the recall of our Ambassador and Consul-General in that country in light of Canada’s failure to retrieve its containers of garbage unlawfully shipped to the Philippine­s,” aniya.

Sa memorandum, sinabi ni Medialdea na ang hakbang ay pagdidiin sa mga demand ng gobyerno matapos mabigo ang Canada na hakutin ang basurang ipinadala sa Pilipinas ng isang pribadong kumpanya noong 2013.

BASURA NG AUSTRALIA,

HONG KONG Samantala, hinimok ni Quirino Rep. Dakila Carlo “Dax” Cua si Pangulong Duterte na silipin ang iniulat na shipments ng basura mula Australia at Hong Kong, at ipag-utos ang agarang pagpapabal­ik sa mga ito.

Sinabi niya na dapat nang makialam ang Malacañang sa sinasabing garbage shipments, kasabay ng panawagan ng pagpapatup­ad sa mas istriktong pagbabanta­y sa ilegal na pagpasok ng mga basura sa bansa.

“I hope the President can also look into reports of garbage coming in from Australia and Hong Kong, and issue directives for their immediate return. For its part, the Bureau of Customs should also demonstrat­e its tough stance against illegal shipments of garbage,” ani Cua, chairperso­n ng House Committee on Ecology, sa isang pahayag.

 ?? ALI VICOY ?? SILANG NAGBUWIS NG BUHAY Binisita kahapon ng mga kaanak ng WWII veterans ang puntod ng kanilang mga mahal sa buhay sa Manila American Cemetery and Memorial sa Taguig City. Ipinagdiri­wang ngayong Lunes ang Memorial Day, isang federal holiday sa Amerika bilang pagpupugay sa mga sundalong Amerikano na nagsilbi sa Pilipinas at Vietnam noong panahon ng digmaan.
ALI VICOY SILANG NAGBUWIS NG BUHAY Binisita kahapon ng mga kaanak ng WWII veterans ang puntod ng kanilang mga mahal sa buhay sa Manila American Cemetery and Memorial sa Taguig City. Ipinagdiri­wang ngayong Lunes ang Memorial Day, isang federal holiday sa Amerika bilang pagpupugay sa mga sundalong Amerikano na nagsilbi sa Pilipinas at Vietnam noong panahon ng digmaan.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines