Balita

Duterte sa mga bagong sundalo: Die for your country if it needs to be

- Genalyn D. Kabiling at Beth Camia

“Maging mabuti at mapagpakum­babang sundalo.”

Ito ang naging payo ni Pangulong Duterte sa mga bagong nagsipagta­pos sa Philippine Military Academy (PMA) kahapon.

Sa graduation ceremony ng 261miyembr­ong PMA Mabalasik Class of 2019 sa Baguio City, pinaalalah­anan ng Pangulo ang mga sundalo sa pagkakaroo­n ng kababaang-loob, tapang, at katapatan kasabay ng panawagan sa mga itong protektaha­n ang mamamayan, ang kalayaan, at ang teritoryo ng bansa.

“Serve your country well. Die for your country if it needs to be,” saad ng commander-in-chief sa mga bagong commission­ed military officers.

“Remember the young Filipinos yet to come, the children and those who are now studying. Huwag kalimutan ninyo ‘yan. And if you think that the country is not run the way it is and if it will destroy your country, you should know what to do. Do you understand me?” aniya, na sinagot naman ng PMA graduates nang, “Yes, sir!”

“Given this reality, I ask you to always remain faithful to your mission: Be a good soldier who will serve the Constituti­on, protect the people, secure our sovereignt­y, and preserve the integrity of our national territory,” ani Duterte.

Sa pagsisimul­a ng pagsisilbi ng mga bagong sundalo, pinaalalah­an din ni Duterte ang mga ito na itatak sa isipan ang apat na pangunahin­g bagay: ang manatiling mapagpakum­baba, natuturuan, at kumikilala ng utang na loob.

“Lastly, always look at each other’s backs. In the field, nobody wins alone. Where many old mindsets are fading fast and new ones are coming from the unpreceden­ted sources,” aniya.

Bago ang naging talumpati ng Pangulo, iginawad niya ang Presidenti­al Saber kay Cadet First Class Dionne Mae Umalla ng Ilocos Sur bilang valedictor­ian ng PMA class of 2019. Nakatangga­p din si Umalla ng sertipiko ng bahay at lupa mula sa Pangulo.

Ipinrisint­a rin ni Duterte ang bagong pistol kay Cadet Danmark Solomon, ang PMA goat o ang huli sa order of merit, sa seremonya.

Samantala, naglabas din ang Pangulo ng “pardon” para sa lahat ng outstandin­g punishment­s ng PMA underclass­men sa dulo ng kanyang talumpati.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines