Balita

Quota ng traffic enforcers, aalisin ni Vico

- Jhon Aldrin Casinas at Raymund Antonio

Nais ni Pasig City Mayor-elect Vico Sotto na wakasan ang “quota system” ng mga traffic enforcers sa lungsod.

“Sa tingin ko, ang unang kailangan gawin ay tanggalin ang quota system nila,” sinabi ni Sotto sa panayam sa kanya ng DZMM.

Ayon kay Sotto, hindi dapat naghihinta­y ng violators ang mga traffic enforcers, o mapressure ang mga ito na makuha ang bilang ng ticket na kailangan nilang mailabas sa loob ng isang buwan.

“Ang problema po kasi sa quota system, pagka may quota po ‘yung enforcer, talagang napre-pressure sila na manghuli nang manghuli imbes na asikasuhin ang daloy ng trapiko,” ani Sotto.

Nais ding magpatupad ni Sotto ng sistema kung saan maaaring iulat ng publiko ang anumang insidente ng panunuhol at suspendihi­n ang ipinatutup­ad na scheme ban sa mga plaka ng sasakyan.

‘NANDITO LANG KAMI’

Samantala, nagpahayag naman si Vice President Leni Robredo ng kahandaang payuhan ang 29-anyos na alkalde sakaling kailangan nito ng payo tungkol sa mabuting pamamahala.

“Nandito lang naman kami. Hindi lang ako pero lalo na iyong mga katrabaho ng asawa ko,” sinabi ni Robredo sa Naga City, kung saan niya ginunta ang ika-61 kaarawan ng kanyang namayapang asawa na si dating Interior Secretary Jesse Robredo.

“Nagbo-volunteer kami kung mayroon siyang (Sotto) mga kailangan na tulong from us, para matuto sa lessons na pinagdaana­n,” ani Robredo.

Dati nang bumisita si Sotto sa Naga City bago siya nahalal na alkalde nitong Mayo 13, at ipinagtang­gol din niya ang siyudad noong 2018 matapos itong tagurian ni Pangulong Duterte bilang “hotbed” ng shabu.

“It really is a hotbed here!” tweet ni Sotto, tinukoy ang Naga. “Hotbed of citizen empowermen­t and participat­ion in governance!!!”

Payo naman ni Robredo sa batang mayor, “stay on course” sa pamumuno nito sa susunod na buwan bilang lider ng Pasig sa susunod na buwan.

“Siguro iyong pinakamens­ahe: Maraming kahirapan na pagdadaana­n. Sana mag-stay lang ng course,” ani Robredo. “Maraming temptation­s, maraming shortcuts na dadating, na parang dadaanan niya. Pero sana iyong focus parating nandiyan.”

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines