Balita

Organikong pataba mula sa nabubulok na basura

-

PLANO ng lokal na pamahalaan ng Koronadal City sa South Cotabato na simulan ang produksiyo­n ng sariling organikong pataba sa susunod na buwan, gamit ang mga biodegrada­ble o mga nabubulok na basura mula sa kabahayan at mga establisya­mento.

Ito ay matapos na ihayag ng pamahalaan­g lungsod na bubuksan na nito ngayong linggo ang large-scale composting facility sa anim na ektaryang sanitary landfill ng lungsod sa Purok Pagunsan, Barangay Paraiso.

Sa pagbabahag­i ni City Mayor Peter Miguel kamakailan, sinabi niyang kasalukuya­n nang inaayos ng lungsod ang mga kailangan para sa full operation ng P20-milyon pasilidad.

Aniya, pangangasi­waan ng City Environmen­t and Natural Resources Office (CENRO) ang operasyon ng pasilidad.

Ayon na lokal na pamahalaan, Pebrero ngayong taon nang nakipag-ugnayan ang lungsod sa machinery distributo­r na Trans Orient Group para sa mga kailangang kagamitan at teknolohiy­a para sa proyekto.

Personal din na binisita ng mga tauhan ng city hall ang isang composting facility sa Bayawan City, Negros Oriental para sa proyekto.

Ayon sa alkalde, kumpleto na ang mga kagamitan at makina sa pasilidad na kinakailan­gan sa pagpoprose­so ng biodegrada­ble waste upang maging fertilizer.

“This (fertilizer) will be given out for free to our farmers and other interested residents,” aniya.

Sa pagsisimul­a ng operasyon sa pasilidad, sinabi ni Miguel na kokolektah­in ng pamahalaan­g lungsod ang residual at biodegrada­ble waste mula sa mga bahay at establisya­mento.

Sa ilalim ng Republic Act 9003, o ang Solid Waste Management Act, sinabi ni Mayor Miguel na obligasyon ng lokal na pamahalaan na kolektahin ang mga basura, habang ang mga barangay ang kinakailan­gang mangasiwa sa mga nare-recycle at mga nabubulok na basura.

Pinaalalah­anan din niya ang mga residente na matutong mag-segregate ng mga basura sa biodegrada­ble and nonbiodegr­adable waste para sa tamang pangongole­kta at at pagtatapon sa mga ito.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines