Balita

Tapos na ang problema sa plaka, kasabay ng pangako ng LTO para sa mas mabilis na serbisyo

-

IPINAGDIRI­WANG ngayong linggo ng Land Transporta­tion Office (LTO) ang ika-107 anibersary­o nito, tampok ang magandang balita na ang matagal nang problema sa plaka ng mga sasakyan, na nagsimula noong 2013 sa panahon ng dating administra­syon, ay nasolusyun­an na sa wakas.

Sa maraming taon na lumipas, maraming nagmamay-ari ng mga sasakyan ang hindi pa nakakakuha ng kanilang plaka dahil sa problemang lumutang, matapos ilunsad noon ng bagong administra­syong Aquino ang programa para sa modernisas­yon ng mga plaka ng mga rehistrado­ng sasakyan sa bansa, at naibigay ang kontrata para sa produksiyo­n ng plaka sa isang joint venture. Gayunman, pinawalang bisa ng Commission on Audit (CoA) ang kontrata noong 2015, matapos na apat na milyon lang sa 15 milyong plaka ang nailabas.

Umabot ang kasong ito sa Korte Suprema. Noong Enero 2018, tinanggal ng korte ang Notice of Disallowan­ce at noong Hulyo 2018, inaprubaha­n ng Department of Transporta­tion ang amyenda para sa kontrata, at sa wakas, nakausad na ang LTO at naayos na ang problema sa mga naantalang plaka ng sasakyan.

Lahat ng ito ay inihayag nitong Mayo 21 ni Assistant Secretary Edgar C. Galvante, hepe ng LTO, sa pagdiriwan­g ng ika-107 anibersary­o ng ahensiya. Bukod sa resolusyon sa matagal nang usaping legal, inihayag din ng LTO na nakapagtay­o nang muli ang ahensiya ng sariling pagawaan ng plaka, at lubusan nang gumagana ang awtomatiko­ng produksyon.

“We at the LTO are targeting to completely resolve the backlog on motor plates by mid2020,” aniya. Ito ang tugon ng LTO, aniya, sa naging hamon ni Pangulong Duterte sa State of the Nation Address nito noong Hulyo 2010, na “Paglabas sa casa, may plaka na.”

Ayon kay Galvez, naglatag na rin ang LTO ng modern technology-based innovation para sa pagbabayad ng taunang pagpapareh­istro sa mga motor na sasakyan, para sa pagsasaayo­s ng motor vehicle inspection system, sa pagbibigay ng five-year driver’s license, at paghahanda para sa hanggang sampung taon na lisensiya, sa online na pagsusumit­e ng medical certificat­e, sa road safety operation, para sa anti-colorum na Oplan Barracuda, at sa iba pang reporma para sa mas mabilis at mas maayos na serbisyo sa Informatio­n and Communicat­ions Technology Center, isang mahalagang hakbangin para sa kasaysayan ng LTO.

Sa pamamagita­n ng lahat ng pagbabagon­g nabanggit, at sa pagtatapos ng matagal nang problema sa plaka, umaasa tayo sa mas maganda at mas maayos na serbisyo mula sa ahensiyang ito, ang Land Transporta­tion Office, ng Department of Transporta­tion.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines