Balita

Senado, hindi kaya maging rubber stamp?

- Bert de Guzman

NAIPROKLAM­A na ang “Magic 12” na nagwagi bilang mga senador. Kapansin-pansin na sa 12 senators-elect, tanging sina Sen. Grace Poe at Sen. Nancy Binay ang hindi nagpakita ng pamosong signature clenched-fist ni Pres. Rodrigo Roa Duterte habang sila’y nakatayo sa entablado sa PICC-Forum, Pasay City. May “balls” ang dalawa.

Dominado ngayon ng mga senador na kaalyado ni Mano Digong ang Mataas na Kapulungan. Nangangahu­lugan bang ito na ang wakas ng pagiging malaya o independen­t na sangay ang Senado? Pero,

para sa kanila hindi sila magiging “rubber stamps” ng Duterte administra­tion, hindi magiging yuko-ulo, hindi sunud-sunuran sa ano mang gusto o panukalang ihahain sa kanila ng Pangulo.

Komento ng kaibigan kong palabirosa­rkastiko-pilosopo: “Sabihin ninyo ‘yan sa mga Marino (Tell it to the Marines).” May duda si kaibigan na hindi magiging rubber stamps ang mga senador. Anyway, palabiro rin pala si Christophe­r “Bong” Go, ang anak-anakan ni PRRD. Nang tanungin kung ang bagong mga senador ay magiging rubber stamps ng Malacañang o sunud-sunuran sa Pangulo: “Mukha ba akong isang rubber stamp?” Tahasang sinabi na susuportah­an ang laban ng kanyang tatay-tayan laban sa illegal drugs, kurapsiyon, kriminalid­ad, at pagpapanum­balik sa death penalty sa heinous crimes.

Duda si senior-jogger sa pahayag ni Bong Go na laging na nakadikit kay PRRD sa lahat ng okasyon: “Hindi ako naniniwala na hindi siya magiging rubber stamp. Tiyak susunod yan sa gusto ng Pangulo. Baka ‘pag inutos na tumalon siya sa gusali, ang magiging tanong niya ay anong palapag po ako tatalon.”

Tungkol kay Senator-elect Bato dela Rosa, dating PNP chief, hindi raw siya magiging “beholden” o hawak sa tungki ng ilong ng kanyang benefactor. “Never”, maikling sagot ni Sen. Bato. Tinanong daw niya ang Pangulo at humingi ng payo sa paggawa ng batas. Tugon sa kanya ni PRRD: “Bato, you are now a senator of the Filipino, you are not a senator of Duterte. Do your job for the good of Filipinos because 19 million voted for you and I believe in your capacity.”

Ang PH daw ay isang “haven” o kanlungan ng money launderers at criminals, ayon sa Anti-Money Laundering Council (AMLC). Dahil sa naranasang “bullying” sa Hong Kong Internatio­nal airport, sinabi ni ex-Ombudsman Conchita Carpio-Morales na lalong nagpalakas ito sa kanya upang ipursige ang paguusig kay Chinese Pres. Xi Jinping sa Internatio­nal Criminal Court.

Itutuloy ni Davao City Mayor Sara Duterte ang laban niya kay Davao Del Norte Rep. Pantaleon “Bebot” Alvarez kahit nakikipagb­ati na ito sa kanya. Hindi siya papayag na maging Speaker na muli si Rep. Bebot. Hindi rin siya pabor na maging Speaker si Alan Peter Cayetano na nagbabala na gigibain ang administra­tion coalition kapag inendorso ni Inday Sara si Marinduque Rep. Lord Allan Velasco bilang Speaker.

Sina Bebot Alvarez at Alan Peter ay mga tunay na lalaki. Walang duda, sila’y may “bayag”, subalit si Inday Sara na kahit isang babae ay may “balls” din. Handang lumaban sa kanila o sa sino mang makikpagta­gisan sa kanya. Abangan natin kung kaninong “balls” ang mananaig sa posisyon ng Speaker sa Kamara sa 18th Congress.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines